Sa tantiya ng Preview.ph, nagkakahalaga ng P9,060,000 ang Bulgari Serpenti Viper necklace na isinuot ni Heart Evangelista sa guesting nito sa Fast Talk with Boy Abunda na mapapanood sa GMA-7 bukas, Biyernes, May 12, 2023.
Read: Heart Evangelista's Chic All-White Power Suit OOTD Costs Almost P9.5 Million
Hindi nagkamali ang Preview sa inilathala nitong ang Serpenti Viper na kuwintas ang pinakamahal na OOTD ni Heart, na pumukaw ng atensiyon ng host na si Boy Abunda.
“Hindi ko matanggal ang aking paningin sa kuwintas na yan,” hindi mapigilang sabi ni Boy kay Heart.
“Isa siyang ahas to remind us na madaming ahas. Yes!” sagot ng aktres.
“Kailan ka huling nakasalubong ng ahas?” sundot na tanong ni Boy, na nagkakahalaga naman ng P300,000 ang Louis Vuitton outfit na suot sa panayam niya kay Heart.
“Every day! Every day is a winding world.
"It’s a reminder that they can be friends too and wear them as your accessory kapag kinatay mo na sila!” natatawa pero matalinhagang sabi ni Heart.
Sa naturang interview ay inamin ni Heart na nakaranas siya noon ng matinding depresyon dahil hindi matanggap ng mga tao ang diumano’y "kaartehan" niya.
Read: Heart Evangelista remembers ABS-CBN auditions, including people who "hated me kasi arte-arte ko"
Hindi lamang ang pagiging fashion icon at ang paninirahan niya sa Paris ang ikinuwento ni Heart sa Fast Talk with Boy Abunda.
Nagsalita rin siya tungkol sa estado ngayon ng pagsasama nila ng kanyang asawang si Senator Chiz Escudero.
Read: Heart Evangelista posts message for husband Chiz Escudero; netizens react, "Pinagalaw na ang baso!"
Bahagyang nangilid ang luha ni Heart nang mapag-usapan nila ni Boy ang kanyang kambal na anak na nalaglag mula sa sinapupunan niya noong 2018.
Read: Heart Evangelista moves on from "extremely painful" experience of losing her baby
Nagkuwento rin si Heart tungkol sa nakakapagod na pagtakbo niya sa mga kalsada ng Paris, France para mapuntahan ang lahat ng mga imbitasyon sa kanya sa mga show ng Dior, Gucci, at iba’t ibang high-end fashion house.
Pati na ang pagiging magkaibigan nila ng French shoe designer na si Christian Louboutin at ang almusal na kasama niya si Anna Wintour, ang editor-in-chief ng Vogue fashion and lifestyle magazine.
Read: French fashion designer Christian Louboutin visits Heart Evangelista in Paris
Read: Heart Evangelista meets Vogue's Anna Wintour, Edward Enninful over breakfast