'Kabayo,' "pinakamapangahas" na pelikula ng Vivamax?

Rico Barrera, hindi na gumamit ng plaster sa daring scenes.
by Jojo Gabinete
May 20, 2023
kabayo poster
Rico Barrera with Kabayo stars (from left) Apple Castro, Julia Victoria, and Mara Flores.
PHOTO/S: Vivamax

Nagsalita nang tapos ang talent manager na si Lito de Guzman na wala nang hihigit pa sa Kabayo dahil ito raw ang "pinakaseksi at pinakamapangahas" na pelikula na mapapanood sa Vivamax.

Si Lito ang producer ng Kabayo na magsisimula ang streaming sa May 26, 2023.

Ang pelikula ay tungkol kay Conrad, ang lalakeng "workhorse" sa opisina dahil sa santambak na trabaho na ibinibigay sa kanya. Pag-uwi sa bahay, pinapagod pa siya ng asawa niya sa kama.

Ang Pinoy Big Brother Season 1 alumnus na si Rico Barrera ang bida sa Kabayo. Si Julia Victoria, ang bagong talent ni Lito, ang gumanap bilang kanyang asawa.

Ipinagmamalaki ni Rico ang karakter niya sa Kabayo dahil may lalim daw ito, pero kinakabahan siya sa magiging pagtanggap ng manonood sa kanyang pelikula.

Ayon kay Lito, “Si Rico ang kinuha naming bida ng Kabayo dahil kailangan ng isang mature character na kayang-kayang maghubad.

“Maraming sex scenes ang pelikula. Maraming threesome scenes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Si Rico, noong una, naglalagay pa ng plaster. Pero nang magkapalagayan na sila ni Julia ng loob, hindi na siya gumagamit ng plaster dahil nasasaktan siya. Mabuhok kasi si Rico."

Dagdag pa niya, “Apat ang talent ko sa Kabayo—sina Julia, Apple Castro, Mara Flores, at Angelo Ilagan.

“Ito na yata ang pinakamapangahas na bold movie ng Vivamax, basta sobra talaga. Itinodo ko na."

Nagulat namna si Lito nang malaman nitong nasangkot si Rico sa isang video scandal na hindi pa niya umano napapanood.

Kinunan ang mga eksena ng Kabayo sa Tacloban dahil tagarito si Manuel Veloso, ang co-producer ni Lito.

Maligayang-maligaya si Lito dahil sa wakas, mapapanood na ang "experimental project" nila.

“The shooting was so smooth,” pagpapatuloy ng kuwento ni Lito tungkol sa pagsasapelikula ng Kabayo.

“Parang naglalaro lang kaming lahat sa set. Namalayan na lang namin na tapos na ang shooting. Very cooperative kasi lahat.

"Ang sarap ng pakiramdam na maipalalabas na ang Kabayo sa Vivamax."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rico Barrera with Kabayo stars (from left) Apple Castro, Julia Victoria, and Mara Flores.
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results