Kilay transformation ni Senator Chiz Escudero, pinag-usapan

Nagpa-microblade ba ang senador?
by Jojo Gabinete
May 20, 2023
chiz escudero microblading
Much ado about the eyebrows of Senator Chiz Escudero.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram / Facebook

Ang ganda ng aesthetic ng photos na ipinost ni Heart Evangelista noong May 18, 2023, sa kanyang Instagram.

Kuha ang mga ito Venice, Italy.

Heart Evangelista in Venice, Italy

Pero bukod sa OOTD at Schiaparelli bag ni Heart, may isa pang agaw-pansin sa post ng aktres: ang kilay ng asawa niyang si Senator Chiz Escudero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

chiz escudero

Tila kumapal ang dating manipis na kilay ni Senator Chiz kaya mahahalatang may nag-iba sa eye area niya.

Sambit ng isang netizen, "Noticeable masyado kasi."

Comments on kilay of Senator Chiz Esudero

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tanong ng isang follower ni Heart, "Sana masagot niyo po ang misteryo ng katanungan ko please. Hindi ako makatulog eh. Naka-microbalde po ba ng kilay si Sen...?"

Ang sure na sure na sabi ng isang netizen: "Microblading."

May nagkomento ring "naka-eyebrow tattoo" ang senador na nanilbihan din bilang gobernador ng Sorsogon.

comments on kilay of Chiz Escudero

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero karamihan naman ay "kilay is life" ang naging reaksiyon.

Sa mga curious, ang microblading ay isang paraan ng paglalagay ng tattoo sa kilay sa pamamagitan ng paggamit ng handheld tool na gawa sa maliliit na karayom para magdagdag ng semi-permanent pigment sa balat.

Ngayong Biyernes ng gabi, May 19, 2023, nakipag-ugnayan ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa microblading expert na si Whena Pino ng MUD Studio Manila para hingin ang kanyang opinyon tungkol sa kilay transformation ni Escudero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ:

David Archuleta's mom resigns from Mormon church; singer finishes second in Masked Singer

UPDATED) Kinukuwestiyon: anak ng tricycle driver at tindera with PHP104M scholarships from US, UK school

Walang kinalaman si Whena sa pagbabago ng kilay ng senador, pero ipinagtapat niyang nakatanggap siya ng mga tawag sa cellphone mula nang lumabas ang larawan ng senador.

Sabi niya sa PEP.ph, “Ang daming tumawag sa akin. Pinagkakaguluhan nila ang picture ng kilay ni Senator Chiz.

"Sinabi ko sa kanila na hindi ako ang gumawa dahil, unang-una, hindi ko ginagawa sa lalake ang mga pa-curve na shape.

“Others would say na hindi maganda ang hitsura. Yung mga walang alam, madali lang sabihin iyan or any artist.

“Mas mahirap i-microblading ang mga lalake."

Bukod dito, may mga napansin pa si Whena sa technique.

"Number one is shape. Mali yung shape ng kilay ni Senator kasi may pa-curve. Ang kilay ng mga lalake, walang curve. It has to be straight lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Saka dapat tamang lalim ang ginawa sa kanya kasi kapag mas malalim ang microblading, sasabog o kakalat ang ginamit na pigment. Paano kung oily skin si senator?

“Dapat hindi magkakadikit ang strokes kasi kung kumalat o kumapal man ang pigment, may spacing pa rin.

“Hindi rin maganda sa babae ang ganyan, pero sa babae, puwedeng mapagkamalan na shading lang at hindi microblading ang ginawa.

“Siguradong-sigurado ako na kung sakaling nagpa-microblading si Senator Chiz, malalim ang pagkaka-cut sa skin niya kasi kumalat na ang gray pigment.

"Hindi mo na makikita yung strokes,” paliwanag at obserbasyon ni Whena .

Dapat ba na ipa-retouch agad ni Escudero ang kilay nito para mas maging natural ang itsura?

"Oo" ang mabilis na sagot ni Whena.

Opinyon pa niya, “Kung ipapa-retouch niya, dapat ngayon na. Huwag na niyang patagalin. Ipabura na niya.

"Mas magiging gray pa ang kulay dahil malalim ang hiwa sa skin niya.

“You should do a removal kasi it’s going to get worse kapag pinatagal ang inilagay na pigment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mas madaling ipabura kung kagagawa lang ng kilay. May dalawang klase ng removal. It’s either laser or yung solution.

"Mas madali ang solution dahil lumalabas ang pigment habang pinupunasan ang kilay.

“As I look at it, sana hindi na lang siya nagpagawa ng kilay or dapat, naghanap siya ng artist na nakita niya yung result. Nakita na niya yung gawa, lalo na kung lalake.

“Everyone would agree na number one, mali ang shape. Number 2, mali ang pigment retention. Mali ang pagkaka-appear ng bawat strokes.

“O sabihin mo na hindi iyan microblading, shading iyan. Sino ang lalake na gagawa ng shading?

"Puwedeng sa babae kasi it would look like a make-up effect, but still, hindi pa rin dapat ganoon ang shape.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Much ado about the eyebrows of Senator Chiz Escudero.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results