GMA Network, nalungkot sa pag-alis ng TVJ sa TAPE Inc.; may blocktime deal pa sa TAPE Inc.

"We pray for a smooth and swift resolution of their issues."
by Jojo Gabinete
May 31, 2023
Tito Sotto on Eat Bulaga war
GMA-7 management on Eat Bulaga! war: "Together with all the Filipino fans, we pray for a smooth and swift resolution of their issues."
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook

#EatBulagaWar

Nagpahayag ng kalungkutan ang GMA Network Inc. management sa desisyon nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon na iwanan ang TAPE Inc.

Ang TAPE Inc. ang producer ng Eat Bulaga!, ang longest-running noontime show ng bansa.

Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers

Ngayong Miyerkules ng hapon, Mayo 31, 2023, inilabas ng Kapuso Network ang official statement nito.

Sabi rito: "We are saddened by today’s unexpected turn of events with regard to Eat Bulaga.

"GMA has been the home of Eat Bulaga for many years and we still have a block time agreement with TAPE until the end of 2024 for the noontime slot.

"Together with all the Filipino fans, we pray for a smooth and swift resolution of their issues.

"Maraming salamat sa patuloy na suporta, mga Kapuso."

Ang tinukoy na "TAPE" sa GMA statement ay ang TAPE Inc, ang producer ng Eat Bulaga! na pagmamay-ari nina Romy Jalosjos at Tony Tuviera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga anak ni Romy ang kasalukuyang namamahala sa kumpanya.

Kahit matagal nang usap-usapan na magpapaalam ang TVJ sa TAPE Inc., dahil lilipat sila sa ibang television network, nabulabog pa rin ang sambayanang Pilipino sa naging pasya ng trio.

Ang TVJ, o sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, ang sikat na trio na haligi ng Eat Bulaga! sa loob ng 44 taon.

Sa kanilang pag-alis sa TAPE Inc., mainit na pinag-uusapan ng netizens kung ano ang mangyayari sa branding na Eat Bulaga!.

Kung pag-aaralang mabuti ang kanilang mga pahayag, malinaw na nagpaalam ang TVJ sa TAPE Inc. at hindi sa Eat Bulaga!.

Kaya lalong nabuo ang mga hinalang may katotohanan ang kumakalat na balitang gagawin nila ang lahat para makuha ang nasabing titulo at madala sa alinmang network na kanilang pupuntahan.

More hot stories on PEP.ph:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA-7 management on Eat Bulaga! war: "Together with all the Filipino fans, we pray for a smooth and swift resolution of their issues."
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results