'Rosalinda' star Fernando Carrillo balik-Pinas; inalala ang date nila ni Korina Sanchez

Fernando Carrillo, nag-guest sa 'Fast Talk With By Abunda.'
by Jojo Gabinete
Jun 8, 2023
fernando carrillo fast talk
Naririto ngayon sa Pilipinas ang Venezuelan actor na si Fernando Carrillo para sa product endorsements at reality show na pinaplano nila ng mga business partner niya. Nag-guest din ang Rosalinda sa GMA-7 showbiz talk show na 'Fast Talk With Boy Abunda.'
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @ferrcarrillo on Instagram

Naririto sa Pilipinas ngayon ang Venezuelan actor na si Fernando Carrillo para sa kanyang mga product endorsement at sa reality show na pinaplano nila ng mga business partner niya.

Layunin ng reality show na makatuklas ng mga Filipino talent na puwedeng ilunsad tulad ng sikat na Korean group na BTS.

Read: Original "Rosalinda" star Fernando Carrillo returns to the Philippines

Bumisita rin si Fernando sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7.

Kaabang-abang ang panayam ng Rosalinda na mapapanood bukas, June 8, dahil nagsalita siya tungkol sa nakaraan nila ng broadcaster na si Korina Sanchez.

Read: Korina Sanchez, hindi humihingi ng pera kay Mar Roxas; niligawan noon ng sikat na telenovela actor

Nag-atubili si Fernando na pangalanan si Korina nang magtanong si Boy Abunda tungkol sa mga Pilipina na kanyang naka-date noon dahil sa pangambang baka “mapa-trouble” siya.

Nagpaunlak lamang magsalita si Fernando nang sabihin ni Boy na wala siyang dapat ipag-alala dahil nakaraan na ang kanilang pinag-uusapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagulat pa si Fernando nang sabihin ni Boy na nagkuwento na si Korina tungkol sa naganap na pagtatagpo nila noon ng sikat na Venezuelan actor.

Kung mapapanood ni Korina ang mga pahayag ni Fernando sa Fast Talk with Boy Abunda, tiyak na matutuwa siya sa mga papuri, paghanga, at mataas na respeto sa kanya ng Latino actor.

Nagpakita ng interes si Fernando na malaman ang mga nangyayari ngayon sa buhay niya.

May special participation sa guesting ni Fernando sa Fast Talk with Boy Abunda ang comedienne na si Divina Aucina, na ginaya ang hitsura ng Rosalinda character ni Thaila.

Isang karanasang hindi malilimutan ni Divine ang pagkikita nila ni Fernando dahil hindi niya inaasahang makakatikim siya ng maraming halik mula sa sikat na Latino actor na kanyang nakapareha sa pagsasayaw ng Salsa.

fernando carrillo fast talk

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naririto ngayon sa Pilipinas ang Venezuelan actor na si Fernando Carrillo para sa product endorsements at reality show na pinaplano nila ng mga business partner niya. Nag-guest din ang Rosalinda sa GMA-7 showbiz talk show na 'Fast Talk With Boy Abunda.'
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @ferrcarrillo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results