Isko Moreno muling sinayaw ang signature dance matapos ang "30 years"

Sa day one ni Isko Moreno as Eat Bulaga! co-host, may pasabog dance number siya.
by Jojo Gabinete
Jun 10, 2023
Isko Moreno and Paolo Contis on Eat Bulaga!
Sa day one ni Isko Moreno (R) as Eat Bulaga! co-host, may pasabog dance number siya. Also in photo: Paolo Contis.
PHOTO/S: Screen grab from Eat Bulaga!

Ipinakilala ngayong Sabado ng tanghali, June 10, 2023, si former Manila City Mayor Isko Moreno bilang guest co-host ng Eat Bulaga!

Nagsilbing entrada niya ang pagsayaw ng popular '90s dance hit na "Dying Inside To Hold You," na naging signature dance song niya sa pangangampanya nang kumandidato siya bilang bise-alkalde ng Maynila noong 2007.

READ:

Isko Moreno, balik-showbiz, lie low muna sa pulitika

Isko Moreno enjoys being a lolo; talks about showbiz comeback

Isko Moreno on Eat Bulaga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbiro si Paolo Contis na nakalimutan ni Isko ang dance steps.

Sabi naman ng actor-politician, "thirty years ago pa" nang huli siyang sumayaw sa isang programa ng GMA-7.

Trivia: Ang signature dance song ni Isko noong miyembro pa ito ng That’s Entertainment noong 1990s ay "Ang Achy Breaky Heart"—na may original title na "Don’t Tell My Heart" at pinasikat ni Billy Ray Cyrus, ang ama ni Miley Cyrus, noong 1992.

Pinagsawaan na ni Isko ang "Achy Breaky Heart" dahil ito ang madalas na sinasayaw niya noon, kaya nang kumandidato na bise-alkalde ng Maynila noong 2007, ang "Dying Inside To Hold You" ang kanyang ginamit sa kampanya at siya rin ang gumawa ng sariling dance choreography.

Back to his first day sa kontrobersiyal na noontime show, bitbit ni Isko ang kanyang mga salitang pabaligtad na binibigkas.

READ: 9 new words to learn from Manila Mayor Isko Moreno

"Balita ko, masaya todits. Huwag kayong aalis. Diyan lang kayo gedli, bandang wakali, bandang nanka. Nandito na kami,” ang mensahe ni Isko para sa televiewers.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

("Balita ko, masaya dito. Huwag kayong aalis. Diyan lang kayo gilid, bandang kaliwa, bandang kanan.")

"Guest co-host" pa lamang si Isko sa Eat Bulaga!, pero hindi malayong maging regular co-host siya, lalo na kapag nagustuhan siya ng TV viewers.

Sari-sari naman ang reaksiyon ng publiko nang mapanood nila si Isko sa Eat Bulaga!

May mga natuwa, pero hindi nawala ang mga batikos, na hindi makakaapekto kay Isko dahil sanay ito sa mundo ng showbiz at pulitika.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa day one ni Isko Moreno (R) as Eat Bulaga! co-host, may pasabog dance number siya. Also in photo: Paolo Contis.
PHOTO/S: Screen grab from Eat Bulaga!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results