Stell Ajero, tiniyak na di mabubuwag ang SB19 kahit may solo projects sila

Stell Ajero, sinariwa ang interaction niya with BTS.
by Jojo Gabinete
Sep 12, 2023
stell ajero fast talk
Stell Ajero on being popular: “Ang best po siyempre, kumikita and we can provide for our family. Nakukuha namin yung gusto namin. May mga need and wants din po kami. But ang kabaligtaran po, dahil nga po nakikilala kami, mas wala po kaming time with our family."
PHOTO/S: GMA Network

Muling napatunayan ni Stell Ajero ng SB19 ang kanyang popularidad dahil nag-number one trending sa X (dating Twitter) ang live guesting niya sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Martes ng hapon, September 12, 2023.

Unang nasubok ang malakas na hatak ni Stell sa publiko bilang isa sa mga coach ng The Voice Generations.

Bukod sa kinaaaliwan at palaging paksa ng mga usapan, siya ang madalas na napupusuan para maging mentor ng mga kalahok sa reality talent competition show ng GMA-7.

Read: Stell Ajero, napatunayan ang popularidad sa 'The Voice Generations'

Kahit si Stell ang nagsosolong miyembro ng SB19 na coach sa The Voice Generations, makakaasa ang mga tagasuporta ng sikat na Filipino boy band na hindi mabubuwag ang kanilang grupo dahil hinahayaan nila ang bawat isa na tumanggap ng mga solong proyekto.

“Open po sa amin na tumanggap ng solo projects basta hindi po nababangga yung schedule ng grupo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi ang sabi nga po namin, ayaw naming nakakahon kami nang lima lang. And we know na each one of us, may gustong i-pursue.

“So, bakit namin siya pipigilan na i-pursue kung ano yung gusto niya, e, dun siya maggo-grow?” paliwanag ni Stell tungkol sa desisyon nila ng mga kasama niya sa SB19 na tumanggap ng kanya-kanyang proyekto na para rin sa kanilang sariling kapakanan.

Read: SB19 Stell Ajero on coaching stint for 'The Voice Generations': "Masaya ako na naging Kapuso ako."

BEST AND WORST PART OF BEING POPULAR

Hindi maipagkakaila ang kasikatang tinatamasa sa kasalukuyan ng SB19, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang bansa.

Nang tanungin ni Boy Abunda ang best at worst part ng pagiging sikat, hindi nag-atubili si Stell na ikuwento ang kanilang mga karanasan at ang malaking pagbabago na nangyari sa buhay ng SB19.

Saad niya, “Ang best po siyempre, kumikita and we can provide for our family.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nakukuha namin yung gusto namin. May mga need and wants din po kami.

“But ang kabaligtaran po, dahil nga po nakikilala kami, mas wala po kaming time with our family.

"So, hindi namin sila masyadong nakikita, hindi namin sila nakakasama, especially now na nakatira kami dito sa area na malapit para malapit sa work at di na kami ma-hassle.

“And the other thing is wala na po kaming freedom to go outside though hindi naman kami malabas talaga.

"Pero yung simpleng pagmu-mall sana po na gusto naming gawin, hindi na talaga namin magagawa, kasi may instances na talagang may mga tao na nakakakilala.

“Okay lang sa amin yon, pero minsan po talaga kasi nadudumog.

"And ayaw po naming mag-cause ng commotion sa isang lugar na maaabala yung mga tao so we choose to stay na lang sa bahay."

ON MEETING BTS

Ang SB19 ang itinuturing na Filipino counterpart ng BTS, ang South Korean boy band na sikat na sikat sa buong mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang karanasang hindi malilimutan ni Stell ay nang makilala nila nang personal ang BTS nang magpunta sila ni Josh Cullen sa South Korea.

sell josh bts

Josh and Stell (fourth and fifth, first row) and other Pinoy cover dancers with the BTS (back row).

Lahad ni Stell, “Yung experience na yon, hanggang ngayon, sobrang fresh pa rin sa utak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi nung time na po na yon, starting pa lang sila noon na group. Yung song nilang 'Danger,' yun ang pinu-promote nila.

“And we were very lucky na kami yung Filipino cover group na ipinadala ng Philippines, at the time, to compete with other countries.

“Super thankful din kami na pumayag yung management nila na ma-meet namin sila backstage.

"Sabi nila, happy rin sila na na-meet kami kasi kami raw yung first Filipino cover group na na-meet nila.

"So, we’re very happy, blessed, and very lucky.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Stell Ajero on being popular: “Ang best po siyempre, kumikita and we can provide for our family. Nakukuha namin yung gusto namin. May mga need and wants din po kami. But ang kabaligtaran po, dahil nga po nakikilala kami, mas wala po kaming time with our family."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results