Bulacan Governor Daniel Fernando, hindi totoong inatake sa puso

Governor Daniel Fernando, may ibang naramdaman habang nagtatalumpati.
by Jojo Gabinete
Sep 13, 2023
daniel fernando speech
Tiniyak ng mga malapit kay Bulacan Governor Daniel Fernando na maayos na ang kalagayan nito matapos makaramdam ng kakaiba habang nagtatalumpati noong September 11, 2023.
PHOTO/S: Facebook

Marami ang nabahala nang kumalat sa social media ang video ng aktor at Bulacan Governor Daniel Fernando na tila nagkaroon ng silent seizure habang nagtatalumpati.

Bigla siyang nautal at hindi makapagsalita, pero nagawa pa niyang senyasan si Bulacan Vice-Governor Alex Castro na mabilis na lumapit sa kanya at inalalayan siya.

Read: Bulacan Governor Daniel Fernando airs side on SBMA incident

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Miyerkules ng umaga, September 13, 2023, naglabas ng opisyal na pahayag ang pamahalaan ng lalawigan ng Bulacan tungkol sa kundisyon ni Governor Fernando na dumanas umano ng dehydration at matinding pagod.

Nakasaad sa statement: “Noong Lunes, Setyembre 11, 2023 ng gabi matapos mag- opisina (People's Day) ng Gob. Daniel R. Fernando at sya ring founder ng DFMI (Damayang Filipino Movement Inc.) ay pumunta sya sa isang event sa Bulacan Capitol Gymnasium at doon ay may kakaibang naramdaman.

“Daglian naman itong nilapitan ng Bise Gob. Alex C. Castro upang mabigyan ng pangunang lunas.

“Sa ngayon sya po ay kasalukuyang nagpapahinga at maganda na ang kalagayan sa tulong ng ating Panginoon.

“Ayon po sa kanyang mga doktor ay nasobrahan lamang po sa pagod at dehydrated ang ating The People's Governor.

“Hindi nya po alintana ang pagod at puyat upang mabigyan ng tulong ang mga kababayan nating nasalanta ng nakaraang malawakang pagbaha sa lalawigan ng Bulacan at sinisikap pa rin nya po na mabigyang pansin ang mga pangangailangan ng taong bayan tuwing People's Day.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagdadasal, nangangamusta at nagmamahal kay Gob. Daniel R. Fernando. Mahal nya rin po kayo.”

Wala nang dapat ipag-alala ang mga nabahala sa video ni Governor Fernando na napanood nila dahil mabuti na ang kalagayan nito .

Kinumpirma ng entertainment journalist at radio DJ na si Joey Sarmiento, na malapit na kaibigan ni Fernando, na epekto ng sobrang pagod at hindi heart attack tulad ng maling balitang kumakalat ang nangyari sa gobernador ng Bulacan.

“Overfatigue lang. Laging puyat sa work tapos maaga siya gumigising pero ruled out ang heart attack.

“As of now back, to work siya pero hindi pa physically uma-appear sa Kapitolyo. Pinapaiwas lang ng doktor sa stress at pressure,” update ni Joey tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ni Fernando.

Maikukumpara ang karanasan sa silent seizure na nangyari sa comedian at TV host na si Boobay sa live guesting nito sa Fast Talk With Boy Abunda noong Abril 20, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Boobay, "nag-hang" habang ini-interview sa Fast Talk With Boy Abunda

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tiniyak ng mga malapit kay Bulacan Governor Daniel Fernando na maayos na ang kalagayan nito matapos makaramdam ng kakaiba habang nagtatalumpati noong September 11, 2023.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results