Bb. Pilipinas International 2021 Hannah Arnold, di na sasali sa beauty pageant kahit wala nang age restriction ang Miss Universe

Hannah Arnold, kuntento na sa pagiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss International.
by Jojo Gabinete
6 days ago
hannah arnold gabrielle casiano forum
Bb. Pilipinas International 2021 Hannah Arnold (right) closes another chapter of her life by declaring that she will no longer join another beauty pageant. Hannah and fellow beauty queen Gabrielle Basiano attended The Huddle, the public speaking trial class by TV host Boy Abunda, on September 14, 2023.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @arnoldhan_ on Instagram

Nagsalita nang tapos si Bb. Pilipinas International 2021 Hannah Arnold na hindi na siya sasali sa mga beauty pageant.

Ito ay sa kabila ng anunsiyo ng Miss Universe Organization na wala nang limitasyon ang edad ng mga nagnanais lumahok sa Miss Universe simula sa 2024.

Read: Miss Universe scraps age restrictions; women of all ages can now join the prestigious pageant

Sinabi ni Hannah sa Cabinet Files na hindi niya nakikita ang sariling sasali sa Miss Universe Philippines dahil ang maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss International ang kanyang tanging pangarap.

At natupad ang pangarap niyang ito sa 60th Miss International na ginanap sa Tokyo, Japan, noong December 2022.

Read: Hannah Arnold on Miss International 2022 journey: “I will truly be returning home with a grateful heart."

“Miss International was my dream, so I’m happy already. I will just support my other sisters, like si Sam. She wants to join again,” paliwanag ng 27-year-old na si Hannah tungkol sa pasya niyang huminto sa paglahok sa mga beauty pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinutukoy na "Sam" ni Hannah ay si Samantha Bernardo, ang 1st runner-up sa Miss Grand International 2020.

Nagpahayag ng intensiyon si Sam na sumali sa Miss Universe Philippines 2024.

Nang itanong namin ang kanyang mga susunod na plano, sinabi ni Hannah na hiningi nila ng kapwa beauty queen na si Gabrielle Baisano ang tulong ni King of Talk Boy Abunda para mahasa sila ang kanilang mga hosting skill.

“We’re asking Tito Boy to help us with hosting,” sagot ni Hannah.

How about acting?

“We’re doing workshops, pero let’s see. I think we are too tall!” natawang sabi ni Hannah.

Tanggap ni Hannah na mahihirapan sila ni Gabrielle na makahanap ng mga aktor na makakapareha kapag pumasok sila sa acting department dahil sa kanilang matataas na height.

Si Gabrielle ay kinoronahang Bb. Pilipinas Intercontinental 2022, pero hindi siya kagaya ni Hannah na isinara na ang pinto sa pagsali sa mga beauty pageant.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ng 25-anyos na si Gabrielle, “At the moment, I’m taking my time for growth, so even the announcement [ng Miss Universe] na tinatanggal na nila ang lahat ng age limits, so marami pa akong time.”

Sina Hannah at Gabrielle ang dalawa sa mga personalidad at estudyanteng lumahok sa The Huddle, ang public speaking trial class ni Boy na idinaos sa Conrado Benitez Hall ng Philippine Women’s University Manila kahapon, Huwebes, Setyembre 14, 2023.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bb. Pilipinas International 2021 Hannah Arnold (right) closes another chapter of her life by declaring that she will no longer join another beauty pageant. Hannah and fellow beauty queen Gabrielle Basiano attended The Huddle, the public speaking trial class by TV host Boy Abunda, on September 14, 2023.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @arnoldhan_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results