"Drama King" Dennis Trillo, di namalayang 20 years nang loyal Kapuso

Dennis Trillo, flattered sa titulong "Drama King."
by Jojo Gabinete
6 days ago
dennis trillo fast talk
Dennis Trillo on almost quitting showbiz before: “Naramdaman na rin po dati, pero palagi ko pa rin nare-realize na masuwerte kami na nandito sa industriya na 'to at maraming naghahangad sa ganitong klase ng trabaho. Basta lagi mo lang isipin na grateful ka sa lahat ng blessings mo. Mahirap talagang talikuran.”
PHOTO/S: GMA Network

Dalawang dekada ang nakalilipas buhat nang lumipat si Dennis Trillo sa GMA-7 kaya ginugunita niya ngayong 2023 ang ika-dalawampung anibersaryo ng pagiging Kapuso actor.

Noong bata pa si Dennis, hindi sumagi sa kanyang isip na pag-aartista ang papasukin niyang propesyon dahil likas siyang mahiyain at ngayon, “Drama King” na ang tawag sa kanya.

Ano ang reaksiyon niya sa "Drama King" title na bansag sa kanya?

“Medyo napa-flatter dahil ako yung tao na hindi sanay sa labels na ibinibigay. Basta sa trabaho, ginagawa ko, pinagbubutihan ko lang.

“Kung ano sa tingin nila ang gustong itawag sa akin, bahala na sila. Grateful, basta,” sagot ni Dennis sa guesting nito sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Biyernes nang hapon, Setyembre 15, 2023.

Mula nang lumipat siya sa Kapuso Network, umunlad nang husto ang acting career ni Dennis.

Kabilang sa mga markadong teleseryeng nagawa niya sa GMA-7 ay ang mga sumusunod: Mulawin (2004-2005), Darna (2005), Zaido (2007-2008), Magdusa Ka (2008), Gagambino (2008-2009), Gumapang Ka Sa Lusak (2010), Endless Love (2010), Legacy (2012), Temptation of Wife (2012-2013), My Husband's Lover (2013), My Faithful Husband (2015), The One That Got Away (2018), Cain at Abel (2018-2019), Legal Wives (2021), at Maria Clara At Ibara (2022-2023).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dennis Trillo reveals portraying Crisostomo Ibarra scared him most

Hindi namalayan ni Dennis na dalawang dekada na siya bilang Kapuso kaya taus-puso ang pasasalamat niya sa management ng kanyang home studio.

Saad ng aktor, “Hindi ko namalayan na twenty years nang Kapuso. Marami akong natutunan.

"Dito ko naranasan yung first time mag-taping. Kung papaano ang sistema sa taping. Natutunan ko yung sistema.

“Ang importante dito sa trabaho na ito, kailangan lagi kang handa. Isa yon sa mga natutunan ko.

"Kapag sinabing ganitong eksena ang kukunan, hindi lang yon ang pag-aaralan mo. Kailangan pag-aralan mo lahat para in case mangyaring ganoon, maiiwasan mo kahit handa ka, hindi ka mapapahiya.

"Minsan lang maibigay ang spotlight sa yo, kailangan ma-maximize mo nang maayos."

Dagdag ni Dennis, “[Maraming salamat] sa lahat ng bosses na nagtiwala sa akin.

"Hanggang ngayon, binibigyan pa rin ako ng trabaho at talagang sinisiguro nila na magagandang projects yung mapupunta sa akin at mga gagawin ko, kaya sobrang thankful ako sa kanilang lahat sa pagtitiwala.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May mga pagkakataong naramdaman noon ni Dennis na talikuran ang showbiz, pero umiiral ang pagmamahal niya sa kanyang propesyon at nangingibabaw ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga natatanggap na biyaya.

“Naramdaman na rin po dati, pero palagi ko pa rin nare-realize na masuwerte kami na nandito sa industriya na 'to at maraming naghahangad sa ganitong klase ng trabaho.

“Basta lagi mo lang isipin na grateful ka sa lahat ng blessings mo. Mahirap talagang talikuran,” rebelasyon ni Dennis.

REUNION WITH BEA

Samantala, masaya si Dennis dahil muli silang nagkasama ni Bea Alonzo sa bagong primetime drama series ng GMA-7, ang Love Before Sunrise, na mapapanood simula sa September 25, 2023.

“Masayang-masaya ako dahil ngayon lang ulit kami magkakatrabaho ni Bea Alonzo. After twenty years, nagkita ulit kami para gawin ang proyekto na to.

“Siguro, hindi alam ng iba na halos sabay kaming nagsimula sa ABS-CBN pa, sa Star Circle [Batch 10] noong 2001.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobrang bata pa niya noon. Teen pa lang. Nakakatuwa na makita yung growth naming dalawa. Kung ano na yung narating ng kanya-kanyang careers namin.

“Ang magical lang na nagkatagpo ulit kami para sa perfect na proyekto na 'to para sa aming dalawa.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Trillo on almost quitting showbiz before: “Naramdaman na rin po dati, pero palagi ko pa rin nare-realize na masuwerte kami na nandito sa industriya na 'to at maraming naghahangad sa ganitong klase ng trabaho. Basta lagi mo lang isipin na grateful ka sa lahat ng blessings mo. Mahirap talagang talikuran.”
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results