Hotel and Restaurant Management ang kurso sa University of the Philippines ni Christophe Sommereux, ang panganay na anak ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas.
View this post on Instagram
Ang pagpasok ni Christophe sa naturang unibersidad ang nagbigay ng insipirasyon sa kanyang nanay na si Gladys na ipagpatuloy nito ang naudlot na college studies.
Third year Communication Arts student si Gladys sa New Era University.
Dalaga pa siya nang huminto sa pag-aaral dahil ang acting profession ang binigyan niya ng importansiya.
Sa edad na 46, pinaplano ni Gladys na ipagpatuloy ang naudlot na pangarap na magkaroon ng college diploma dahil nais niyang maging mabuting halimbawa sa kanyang mga anak at sa mga kabataan.
“Palagi kong sinasabi sa mga anak ko na dapat magtapos sila ng pag-aaral, tapos ako hindi graduate?
“Sa akin, practice what you preach. Walk the talk.
"Hangga’t maaari, kung may pagkakataon, bakit hindi mag-aral. Saka no one will look down on you kapag may college diploma ka."
Pagppaatuloy ni Gladys, “Ngayon, nagtatanung-tanong ako, nag-i-inquire ako.
"Kasi si Jhong Hilario nga, nag-graduate, cum laude pa. Si Jodi Sta. Maria, nag-aaral din.
“Sabi nga ng headmaster sa school ng mga anak ko, hindi pa huli.
"Mass communication student naman ako dati, e, yung work ko, parang Mass Com naman.
"So, parang yung experience mo noong 18 years old ka, hindi mo nare-realize ang importance. Pero ngayon, marami ka nang experience.
“Iba na siyempre yung knowledge natin noon sa ngayon. Soo, inisip ko na baka nga it would be easier for me, saka self-fulfillment.
"It’s something na ikaka-proud din sa akin ng mga anak ko.
"Makakatulong din yung additional knowledge ko sa business namin."
Hindi sinasadyang magkita kami ni Gladys sa isang bangko sa Tomas Morato Avenue, Quezon City, bago siya pumunta sa Kosmos, ang pagtitipon na pinangunahan ni Senator Robinhood Padilla at ginanap sa Cities Events Place, kahapon, September 15, 2023.
Nang sabihin naming bagay rin sa kanyang maging educator dahil bukod sa mga acting workshop na siya ang nagtuturo, naiimbitahan si Gladys na magsalita sa Ateneo De Manila University tungkol sa acting profession, sumang-ayon ang aktres.
Seryoso si Gladys sa planong makatapos ng pag-aaral bago tumuntong sa edad na 50.
“Sana before I reach 50, I’ll be able to do all of these. Forty-six years old na ako ngayon.
“Yung pag-aaral, it also stimulates the brain, di ba? Yung mga bagong artista ngayon, may acting coach sa set. E, noong araw, wala kaming ganoon.
“Yung mga anak ko, 17,15, 13 years old. Ang pinakabunso lang naman si Gavin, six years old. At least, wala na akong pinapa-breastfeed,” lahad ni Gladys, na malalaki na ang mga anak kaya madali na para sa kanyang tuparin ang ambisyong makatapos ng college course.