Ang Cinema 2 ng SM Megamall ang venue ng grand press conference ng Love Before Sunrise na naganap nitong Sabado ng hapon, September 16, 2023.
Sina Dennis Trillo at Bea Alonzo ang mga bida sa romantic-drama series ng GMA-7 na mapapanood simula sa September 25, 2023.
Dumalo sa media conference ng Love Before Sunrise ang ilan sa mga co-star nina Dennis at Bea — sina Andrea Torres, Sid Lucero, Ricky Davao, Jackie Lou Blanco, Isay Alvarez, Rodjun Cruz, at Matet de Leon.
Pare-pareho silang nagpapasalamat dahil naging parte sila ng bagong programa na magkatulong na binuo ng Viu at ng Kapuso Network.
Pamilyar ang naging pakiramdam ni Bea sa pagtatambal nila ni Dennis sa isang proyekto, makalipas ang dalawampung taon.
Read: Bea Alonzo excited to shoot 'Love Before Sunrise' in Canada
“For me, it feels familiar, but at the same time, it feels all new, so it’s a different feeling. But I love this feeling because there’s this level of trust kasi pareho kaming ni-launch sa Star Circle.
“So somehow, I feel na I can trust him and I feel na kahit na magkalayo kami ng matagal na panahon, naging fan niya ako from the sidelines. Like, I would always cheer for him, I would always root for him in his different projects.
"And I’ve seen him grow as an actor so I just feel lucky and honored working with him on this one,” pahayag ni Bea.
Inamin niyang nakaramdam siya ng pagkailang sa unang araw ng taping nila ni Dennis para sa Love Before Sunrise.
“First day sa set namin, sa totoo, may ilangan. Ako medyo naiilang kasi we had to do scenes na dapat kami na. Nasa relationship na kami.
"So parang, at first, mahirap kasi kailangan ninyo munang makilala ulit yung isa’t isa.
“But then, we’re professional actors so we got over that easily. We had to make the scene work.
"But I just feel na nakakatulong din yon kasi nga may sense of him being familiar to me.
“Yung pain niya, yung hawak niya somehow I feel familiar. So, kahit papaano, I guess, yung mystery kasi I think he’s very mysterious.
“Nakakatulong yon in terms of quote unquote 'falling-in-love stage' naming dalawa, but I can only speak for myself. That’s what I’ve experienced.”
View this post on Instagram
EXCITED HOST
Ang Sparkle Artist Center contract star na si Janeena Chan ang host ng ginanap na presscon.
Hindi maitatangging na-excite siya nang husto sa kanyang partisipasyon kaya may mga pagkakataong sumisingit siya sa pagsasalita kahit hindi pa tapos sumagot sina Dennis at Bea sa mga katanungan ng entertainment press.
Kung panonoorin ni Janeena ang video ng hosting job nito sa presscon ng Love Before Sunrise, makikita niyang hindi nakatulong ang kanyang ipinamalas na smart-aleck attitude.
Dapat na isaisip din ni Janeena na bilang host, hindi tungkol sa kanya ang presscon dahil para ito sa cast ng upcoming drama series ng GMA-7 kaya kailangang pigilan niya ang sarili sa pagbibigay ng mga opinyon na nakakasapaw sa mga artista.
Sa madaling-salita, dapat malaman ni Janeena ang mga limitasyon niya bilang host para hindi na maulit ang kanyang mga ginawa sa media conference ng drama series nina Dennis at Bea.