Si Kim Thitisan Goodburn ng Thailand ang nagwaging Mister International 2023 sa grand coronation na ginanap sa Bangkok, Thailand, noong Linggo ng gabi, September 17, 2023.
Tinalo ng 24-year-old Thai, na nanalo rin sa Best National Costume competition, ang 37 kandidato mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ito ang kauna-unahang pagkakataong nanalo ang kinatawan ng Thailand sa Mister International, pero hindi pa rin naiwasan ang mga paratang ng mga nang-iintrigang hometown decision ang nangyari dahil hindi nila matanggap ang resulta.
View this post on Instagram
First runner-up sa 15th edition ng Mister International si William Badell ng Venezuela at second runner-up naman si Edward Ogunniya ng Brazil.
Si Jefferson Bunney ang Philippine representative sa Mister International 2023.
Hindi man siya pinalad magkaroon ng puwesto, kasama siya sa Top 10 contestants. Kabilang din siya sa mga nanalo sa sponsored award na Most Attractive Men.
View this post on Instagram
Crowd favorite si Seif Al’walid Harb ng Lebanon kaya marami ang nadismaya dahil nabigo siyang maiuwi ang titulo.
Si Seif ang tumanggap ng special awards na Best in Swimwear, Ayutthaya Popular Vote, at kasali rin siya sa listahan ng Most Popular Men at Most Charisma Men.
Sa kasaysayan ng Mister International, isang beses pa lamang nagwagi ang Pilipinas. Naganap ito sa Ansan, Korea, noong February 14, 2014 nang tanghaling 9th Mister International ang police officer na si Neil Perez.
Read: Policeman Neil Perez wins Mister International Pageant
Noong nakaraang taon, ang Pilipinas ang host country ng 14th Mister International. Ang Philippine delegate na si Myron Jude Ordillano ang hinirang na fourth runner-up sa coronation night na idinaos sa New Frontier Theater noong October 30, 2022.
Read: Manu Franco of Dominican Republic wins Mister International 2022; PH bet MJ Ordillano 4th runner-up