Pumasok na rin sa showbiz si Myron Jude "MJ" Ordillano, ang 4th runner-up sa Mister International 2022 na ginanap dito sa Pilipinas noong October 30, 2022.
Read: Manu Franco of Dominican Republic wins Mister International 2022; PH bet MJ Ordillano 4th runner-up
May special participation si MJ sa Love Before Sunrise, ang upcoming drama series ng GMA-7.
Dahil lumaki sa ibang bansa, hindi pa hasa sa pagsasalita ng Tagalog ang 24-year-old aspiring actor, pero ipinagmalaki nitong hindi siya bulol.
Kuwento ni MJ, “Katatapos lang ng guesting ko for Love Before Sunrise. Katatapos lang din ng hosting for Miss Bicolandia, and I think we’re doing like a very hybrid approach so far.
“Hindi na ako masyadong bulol. I am getting better as the days go by.
“There are times na nagiging mahinhin ako sa pagta-Tagalog ko kasi first time.
“First-time jitters when I went to taping and my first time speaking Tagalog.
"Parang at first, it felt natural, pero talagang in-apply ko na lang ang learnings ko sa acting workshops.”
Maging "another Dingdong Dantes" ang pangarap ni MJ dahil bilib siya sa hosting talent ng Family Feud Philippines host.
Napahalakhak si MJ nang itanong namin kung dapat nang kabahan si Dingdong.
Pero dugtong niya, “Hay nako, saka si Luis Manzano... I love them all. They’re my role models. I just wish that I can be like them."
Masidhi ang pangarap ni MJ na maging television host.
Business administration and management graduate si MJ mula sa De Montfort University sa Leicester, England. Diumano, napapakinabangan niya sa mga negosyo ang kanyang kurso.
At dahil produkto siya ng Mister International, tinanong namin si MJ kung may plano pa siyang subukan ang kanyang kapalaran sa ibang male pageant.
“Actually, may isang pageant na nangyari, the male counterpart of Miss Universe, I was just actually thinking about it.
"Pero naisip ko yung Mister Supranational, pero yung age limit doon, hanggang 35 years old. I have enough time to think.
"But right now, I wanna focus on my franchising business.
“At the moment, I work on a couple of businesses. I love embracing my entrepreneurship.
“Since Mister Supranational is up to the age of 35, I think, what’s the rush for?
"Right now, marami akong commitments sa public, career, GMA-7.
"Let’s just say, if I join this time, e, di siguro hindi ako makakapagtrabaho sa GMA, kakasali ko lang.
“So I’ll take my time and, hopefully, focus on my business and, of course, my hosting and acting career.”
Nagkaroon ng pagkakataon ang Cabinet Files na makausap si MJ sa The Huddle, ang public speaking trial class ni Boy Abunda na idinaos sa Conrado Benitez Hall ng Philippine Women’s University noong September 14, 2023.
Kabilang si MJ sa mga showbiz personality na dumalo sa nabanggit na klase dahil sa kagustuhang madagdagan ang kanyang kaalaman sa public speaking na malaki ang maitutulong sa ambisyon niyang maging TV host.