Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Salesclerk, nalito kung sinong Bautista ang umamin at may libro

by Cabinet Files
Mar 16, 2018

Bukas, March 17, 2 PM to 6 PM, ang book signing event ni Mark Bautista sa National Bookstore Glorietta branch para sa kanyang autobiography book, ang Beyond the Mark.

Unang nagkaroon ng book signing si Mark sa National Bookstore Trinoma branch noong Sabado, March 10, at naging kumportable siya sa pakikiharap sa mga tao.

Apparently, naramdaman ni Mark na tanggap ng publiko ang pag-amin niya na bisexual siya.

Magkakasabay na nag-umpisa ang singing career nina Mark, Erik Santos, at Christian Bautista noong 2003.

Mga produkto ang tatlo ng mga singing competition sa telebisyon.

Contestant si Mark ng Star For A Night ng IBC-13, at alumni sina Erik at Christian ng Star in a Million ng ABS-CBN.

Sina Erik at Christian ang madalas na pinagdududahan noon ang sexual orientation.

Dahil gumanap si Mark na Lastikman sa pelikula noong 2004, kaya ang akala ng karamihan ay siya ang straight sa kanilang tatlo.

Continue reading below ↓

Hindi na confused si Mark sa kanyang sexual orientation, pero confused pa rin ang ilang tao.

Nang magpunta kami sa Shangri-La Mall branch ng National Bookstore noong February 9, ang unang araw na lumabas sa mga bookstore ang tell-all memoir ni Mark, mabilis na naghanap ang salesclerk.


Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nang bumalik ito, excited na ibinigay niya sa amin ang First Class: Outbound—ang libro ni Christian.

Continue reading below ↓


Trivia: Matagal nang pinaghihinalaan ang sexual preference ng well-known male showbiz personality na consistent sa pagde-deny.

Isang gabi, biglang nag-ring ang aming cellphone.

Nang sagutin namin ito, ang boses ng well-known male personality ang nasa kabilang linya.

Pero may kausap siyang lalaki na kinantahan niya ng “Weekend in New England,” ang hit song ni Barry Manilow noong 1976.

Continue reading below ↓

Malinaw sa aming hindi sinasadya at walang kamalay-malay na napindot ng male personality ang numero namin kaya balewala ang aming paulit-ulit na pagsagot ng hello.

Kami na ang nag-off ng cellphone bilang respeto sa very private conversation ng male personality at ng kanyang kasama. #Confirmed.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results