Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Catriona Gray, di pa siguradong masusungkit ang Miss Universe Philippines crown

by Jojo Gabinete
Mar 17, 2018

Magaganap bukas ng gabi, March 18, sa Smart Araneta Coliseum ang grand finals ng 55th edition ng Binibining Pilipinas.

Front-runners sa Binibining Pilipinas 2018 si Miss World Philippines 2016 Catriona Gray, ang volleyball superstar na si Michele Gumabao, at si Ma. Andrea Abesamis.

Si Andrea ay anak ni Desiree Verdadero, ang 3rd runner-up sa 1984 Miss Universe na idinaos noong July 9, 1984 sa Miami, Florida, USA.


Continue reading below ↓

(From L-R: Aya Abesamis, Michele Gumabao, and Catriona Gray)

Hindi dapat maging kampante ang mga supporter ni Catriona Gray na makukuha nito ang Miss Universe Philippines 2018 crown.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kung ang mga organizer ng beauty contest ang tatanungin, gusto nila ng hindi overexposed o bagong kandidata ang magiging representative ng Pilipinas sa 67th Miss Universe na magaganap sa December 2018.

Hindi crowd favorite si Binibining Pilipinas candidate No. 21 Anjame Magbitang, ang 5’10", 19-year old stunner ng Hagonoy, Bulacan, pero malakas ang laban niya para sa Miss Universe Philippines 2018 title.


Continue reading below ↓

Trivia: Si Rachel Peters ang Miss Universe Philippines 2017 at ililipat na niya bukas sa kanyang successor ang much-coveted crown and title.

Disappointed kay Peters ang mga Pilipino nang sumali siya sa Miss Universe 2017 dahil imbes na magbanggit ng kanyang advocacy, nag-promote ang Filipina beauty queen ng coffee shop niya sa Siargao island.

Hindi ang tipo ni Rachel ang magkakaroon ng showbiz career.

Malaking tulong na may coffee shop siya na pagkakaabalahan pagkatapos ng kanyang reign.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results