Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Binibining Pilipinas 2018, inabot ng dalawang araw bago i-announce ang winners

by Jojo Gabinete
Mar 19, 2018

Tumagal ng limang oras ang coronation night ng 55th Binibining Pilipinas noong Linggo, March 18.

Inabot kami ng dalawang araw sa Smart Araneta Coliseum dahil madaling-araw ng Lunes, March 19, nang i-announce ng mga host na sina Richard Gutierrez at Pia Wurtzbach ang winners.


Continue reading below ↓

Bukod sa natagalan ang deliberation ng judges, live telecast sa ABS-CBN ang announcement ng mga nagwagi kaya matagal na naghintay ang Smart Araneta Coliseum audience.

Nilibang na lang ng audience ang mga sarili sa panonood ng mga teaser ng upcoming drama series ng Kapamilya Network: ang pagbabalik ng Precious Heart Romances Presents: Araw Gabi na pagbibidahan nina JM de Guzman at Barbie Imperial; Halik Mo na tinatampukan nina Sam Milby, Yen Santos, at Jericho Rosales; at ang Piolo Pascual-Arci Muñoz starrer na Since I Found You.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Mahigit sa isang oras ang ipinaghintay ng Big Dome audience sa announcement of winners.

Pero walang umuwi, kahit alam nilang si Catriona Gray ang mananalo ng Miss Universe Philippines 2018 crown dahil siya ang crowd favorite at naghakot ng halos lahat ng special awards.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results