Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Vickie Rushton, mas deserving sa Bb. Pilipinas crown kumpara kay Karen Gallman?

by Cabinet Files
Mar 19, 2018

First runner-up si Vickie Rushton sa 55th Bibinining Pilipinas, pero hindi ito ikinatuwa ng kanyang mga supporter.

Naniniwala silang mas deserving siyang magkaroon ng beauty title kesa kay Karen Gallman, ang kinoronahang Miss Intercontinental 2018.

Parehong mga beterana ng beauty pageants sina Rushton at Gallman.

Si Rushton ang Mutya ng Pilipinas 2011, samantalang kasali si Gallman sa Top 12 finalists ng Binibining Pilipinas 2012.

Former contestant din si Gallman ng "Little Miss Philippines" ng Eat Bulaga! noong bata pa siya.

Para sa supporters ni Rushton, higit na relevant at may sense ang sagot niya sa Q&A kung ikukumpara sa sagot ni Gallman, na pabor sa "privatization" ng mga restroom para sa mga transgender.

Ito ang tanong ng judge na si Precious Lara Quigaman: "Do you agree that the third restroom should be built for the transgenders. Why and why not?"

Sagot ni Gallman: "I definitely agree there should be a third restroom for transgender because as women also would like a privacy and also with men and we have a separate room for the transgender.

Continue reading below ↓

"It just serves an equality and privatization."

Ang Kapuso actor na si Jason Abalos ang kasama ng special brother ng kanyang girlfriend na si Rushton nang panoorin nito ang grand coronation sa Smart Araneta Coliseum kagabi, March 18.

Continue reading below ↓
Recommended Videos


Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results