Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Michele Gumabao, balak gawan ng replica ang Bb. Pilipinas crown para sa amang si Dennis Roldan

by Jojo Gabinete
Mar 21, 2018

May kinalaman ang edad ni Michele Gumabao kaya ang Bb. Pilipinas -Globe 2018 ang beauty title na ibinigay sa kanya ng mga hurado.

Contract star si Michele ng Viva Artists Agency, pero on hold muna ang showbiz career niya dahil sa kanyang mga responsibilidad bilang Bb. Pilipinas-Globe title holder.


Continue reading below ↓

Tuwang-tuwa ang ama ni Michele na si Dennis Roldan dahil nanalo ang anak niya.

Tinanong ng Cabinet Files kay Michele kung papayagan ba siya ng Binibining Pilipinas Charities, Inc., ang organizer ng Binibining Pilipinas, na iuwi niya ang kanyang korona para personal na maipakita kay Dennis.

Nagsisilbi ng life time imprisonment ang aktor sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City dahil sa kasong kidnapping.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ayon kay Michele, hindi sila pinapayagang iuwi ang kanilang mga korona kaya plano niyang magpagawa ng replica ng Miss Globe Philippines crown at ito ang kanyang ipapakita kay Dennis.

Call out: Walang katotohanang nabibili sa Divisoria ang mga korona ng Binibining Pilipinas winners.

Kaya dapat manahimik ang mga gay supporter ni Michele na may “Pasok Mga Suki Presyong Divisoria” mentality sa pagkakalat ng balita na mura na nabibili sa Divisoria ang Binibining Pilipinas crowns.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results