Vickie Rushton, pinasasali ulit sa Binibining Pilipinas next year

by Jojo Gabinete
Mar 21, 2018

First runner-up sa Binibining Pilipinas 2018 si Vickie Marie Rushton, ang actress girlfriend ni Jason Abalos.

Kinumpirma ni Vickie na pinasasali uli siya sa Binibining Pilipinas sa susunod na taon, pero pinag-iisipan pa niya ang magiging desisyon.


Nagpapasalamat si Vickie sa full support ni Jason sa kanyang Binibining Pilipinas journey.

Continue reading below ↓

Si Jason ang kasama ng bulag na nanay at kapatid ni Vickie na may special needs sa panonood ng coronation night ng Binibining Pilipinas sa Smart Araneta Coliseum noong Linggo, March 18.


Ikinuwento ni Vickie sa Cabinet Files na may special section ang Big Dome para sa person with disabilities na nanood ng coronation night.

Continue reading below ↓

Nang makausap namin noon si Jason sa set ng The One That Got Away ng GMA-7, sinabi niya ang kanyang payo kay Vickie na i-enjoy lamang ang beauty contest na sinalihan.

Manalo o matalo, walang magbabago sa kanyang pagmamahal  sa girlfriend, na hinding-hindi raw magiging “the one that got away” dahil siguradong si Vickie na ang babaeng pakakasalan niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results