Ai-Ai delas Alas, inaming sinuway ang ika-6 Na Utos

by Jojo Gabinete
Mar 26, 2018

Ang ika-anim na utos na “Thou shall not commit adultery” o “Huwag makiapid sa hindi mo asawa” ang isang kasalanan ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas na inihingi nito ng kapatawaran sa Diyos.

Hindi niya ito ikinahihiyang ibahagi sa lahat dahil kapupulutan ng aral.


Tulad ni Cristine Reyes, hindi nag-isip nang matagal si Ai-Ai nang itanong namin ang for Holy Week question na kasalanan na ginawa niya at pinagsisihan.

Continue reading below ↓

Sabi niya, “Alam naman ng lahat na noong araw, second wife ako… mistress, at ito ang inihingi ko ng tawad sa Diyos.

“Hindi man sinasadya ang sitwasyon, still, nakiapid pa rin ako.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"At ito ang ika-anim na utos ng Diyos na sinuway ko alang-alang sa pag-ibig."

Pero itinuwid na raw ni Ai-Ai ang pagkakamali niya.

Fact: Tuwing Holy Week, naging tradisyon ni Ai-Ai na magkaroon ng Pabasa sa bahay niya, na itutuloy pa rin ng kanyang mga anak kahit wala na siya.

May prayer room sa newly-built house ni Ai-Ai sa Quezon City.


Continue reading below ↓

Walang araw na hindi pumapasok at nagdarasal si Ai-Ai sa prayer room na naglalaman ng lahat ng mga klase ng santo na bigay sa kanya ng mga pari, mga kaibigan, at supporters niya.

Marian devotee si Ai-Ai kaya makikita sa prayer room niya ang iba’t ibang klase ng imahe ni Blessed Virgin Mary.


Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results