Christopher Roxas, ipinagmamalaking faithful sa asawang si Gladys Reyes

by Jojo Gabinete
Mar 26, 2018

Maipagmamalaki ni Christopher Roxas na faithful siya kay Gladys Reyes mula nang ikasal sila.

Ni minsan, hindi raw siya nagpadala sa tukso.


Naranasan ni Christopher na makatanggap ng indecent proposal noong kasal na sila ni Gladys.

Pero hindi niya kinagat ang tempting offer dahil hindi nito matutumbasan ang kanyang wagas na pagmamahal sa asawa at mga anak.

Continue reading below ↓

Inamin naman ni Gladys na minsan nang dumaan sa pagsubok ang relasyon nila ni Christopher.

Pero kakulangan sa oras para sa isa’t isa ang ugat, hindi dahil may third party na sangkot.

Shout out: Responsible husband and father at good provider sa pamilya si Christopher.

Hindi siya nag-iilusyon na big star, pero nagpapasalamat si Christopher dahil hindi siya nawawalan ng mga movie project.

Maganda rin ang mga feedback sa Estela, ang restaurant business nila ng kanyang mga business partner sa Sta.Lucia East Grand Mall sa Cainta, Rizal.

Inirerekomenda ni Christopher sa lahat na panoorin ang Cry No Fear na tinatampukan niya at may playdate sa April 18 dahil isa raw ito sa pinakamagandang suspense-thriller movie ng direktor na si Richard Somes.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results