Dennis, Jason, at Meg ibinahagi kung paano nila ginugunita ang Mahal na Araw

by Jojo Gabinete
Mar 28, 2018

Ang pagkuha ng litrato ng iba't ibang mga simbahan at ang Visita Iglesia ang nakasanayang tradisyon ni Dennis Trillo tuwing Mahal na Araw.


Pareho sila ng kanyang The One That Got Away co-star na si Jason Abalos, na umuuwi naman sa bayan nito sa Nueva Ecija kapag Holy Week dahil nakaugalian nila ng kanyang pamilyang sumali sa pabasa at prusisyon.

Continue reading below ↓


Out of the country naman ngayong Holy Week ang sexy actress na si Meg Imperial dahil sa Asian cruise nila ng kanyang 52-year-old mother.


Continue reading below ↓

Treat ni Meg sa nanay niya ang Asian cruise dahil namatay noong May 2017 ang kanyang ama.

Kaharap si Meg nang malagutan ng hininga sa isang ospital dahil sa heart attack ang tatay niya, at dito siya nagkaroon ng realization na sadyang maiksi ang buhay.

Ang ipakita at iparamdam ang pagmamahal sa pamilya habang malalakas at nabubuhay pa sila ang mahalagang aral na natutunan ni Meg mula sa malungkot na karanasan niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results