Bianca Manalo, babalik na sa Maynila pagkatapos makaligtas sa boat accident sa Antique

by Jojo Gabinete
Mar 31, 2018

Inaasahang babalik sa Metro Manila bukas, Easter Sunday, ang former beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo.

Isa si Bianca sa mga nakaligtas mula sa lumubog na speedboat na sinasakyan nila ng kanyang mga kasama habang papunta sila sa Mararison Island, Culasi, Antique, noong Maundy Thursday, March 29.


Continue reading below ↓

Nakunan ng litrato si Bianca sa nagsisimba sa Pandan noong Good Friday, isang araw matapos mangyari ang aksidente.


Sa report ng Radio Mindanao Network Iloilo, sampu ang kasama ni Bianca nang mangyari ang tragic accident.

Kabilang dito ang kapwa niya aktres na si Ehra Madrigal at ang 47-year-old husband nitong si Tom Yeung, at si Pandan Municipal Mayor Jonathan Tan, 41 years old, married.

Continue reading below ↓


Nakausap ng Cabinet Files sa telepono ngayong tanghali, March 31, si Police Senior Inspector Glen Jaromay ng Sebaste Police Station.

Siya ang nagbigay ng ilang impormasyon tungkol sa naganap na aksidente dahil sakop ito ng Sebaste.

Sinabi ni Jaromay na bihirang magkaroon ng kaso ng paglubog ng mga bangka sa naturang lugar.

Continue reading below ↓

Nagkataon lang na malakas ang mga alon nang bumiyahe si Bianca at ang mga kasama nito.

"Sa unang report sa amin, may involved na celebrities, pero hindi namin kilala.

"Marami ang tumulong sa kanila, mga mangingisda, mga pulis at fire personnel.

"Safe naman na pumunta sa Mararison island, thirty minutes lang ito from Sebaste," ang pahayag ni Jaromay sa Cabinet Files.

Matapos mailigtas, agad na bumalik sa Pandan ang mga biktima, ayon kay Jaromay.

THE BOATMAN. Ang boatman na si Mark Robert Orcajada ang unang nakakita kay Mayor Jonathan at sa kasama nitong si Toribio Barrientos na palutang-lutang sa dagat at humihingi ng saklolo.

"Nakaupo ako diyan, napansin ko sa dagat parang taong lumulutang dalawa.

"Ako lang mag-isa pumunta muna tapos pagkadating ko doon, nagsabi agad yung isa na may walo pa doon sa laot.

"Nagtawag pa kami ng iba para mag-rescue sa laot," ang pahayag ni Orcajada sa panayam sa kanya ng Radyo Todo Aklan.

Continue reading below ↓

Walang may gusto na masangkot sa aksidente kaya maling-mali na sisihin si Bianca at ang mga kasama nito na pinararatangang inuuna ang pagpapasarap, imbes na mangilin tuwing Semana Santa.

Nangyari na ang nangyari. Ang mga aral na matutunan mula sa karanasan ng bawat isa, maganda man o masama, magkakakilala man o hindi, ang unang dapat isipin, hindi ang paghuhusga sa kapwa.  

Fact: Girlfriend ni Mayor Jonathan Tan si Bianca Manalo ang headline ng mga balita kaya intriguing ang married status niya sa report ng Radio Mindanao Network Iloilo.

Kinumpirma ni Jesus Dioso, ang public relations officer ng Pandan, na hiwalay sa asawa si Mayor Tan.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Bianca Manalo
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results