Jinggoy Estrada, tatakbo bilang governor ng Laguna sa 2019?

by Jojo Gabinete
Mar 31, 2018

Ang balita tungkol sa alleged plan ni former Senator Jinggoy Estrada na kumandidato bilang gobernador ng Laguna ang nasagap ng Cabinet Files sa Visita Iglesia nito noong Huwebes Santo.


Mula sa Pagsanjan, Laguna ang mga Ejercito kaya hindi ikinagulat ng mga residente ng probinsiya ang kumakalat na balita.

Continue reading below ↓

Ito ay sa kabila ng mga speculation na muling kakandidato si Jinggoy bilang senador sa eleksyon sa 2019.

Nagsilbing gobernador ng Laguna noong June 2010 hanggang May 2014 si ER Ejercito, ang first cousin ni Jinggoy.


Napilitan si ER na bumaba mula sa puwesto dahil sa paratang na overspending sa kampanya noong 2013 midterm elections

Continue reading below ↓

Sinubukan ni ER na makabalik sa posisyon noong May 2016 elections pero nabigo siya.

Kahit wala nang kapangyarihan, ramdam na ramdam ang presence ni ER sa Pagsanjan, Laguna dahil nakalagay ang litrato niya sa lahat ng mga tarpaulin at billboards ng mga project ng kanyang asawa, si Maita Sanchez, ang incumbent mayor ng naturang bayan, at ng kanilang konsehal na anak na si Jet.


Continue reading below ↓

 

Fact. Nagbibigay ng amusement sa marami ang Alagang Ejercito: 24 Oras na Serbisyo, ang libreng pagpapaanak at funeral service ng mga Ejercito dahil sa slogan nila na "From Womb to Tomb."


Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results