Watch Now

Sancho delas Alas, nabuking ang proposal sa fiancée dahil sa nail cutter

by Jojo Gabinete
Apr 2, 2018

Nakatakda sa December 10, 2018 sa Christ The King Church, sa Greenmeadows, Quezon City ang church wedding ni Sancho Vito delas Alas at ng kanyang fiancée, ang model na si Shanna Retuya.

Pinili ni Sancho ang Christ The King Greenmeadows Church dahil dito rin ikinasal noong December 12, 2017 ang kanyang ina, ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas, at ang stepfather niyang si Gerald Sibayan.

“Wala lang, para maiba lang,” ang sagot ni Ai-Ai nang itanong ng Cabinet Files kung bakit ang Singapore ang venue at ang Singapore Flyer ang background ng marriage proposal ni Sancho kay Shanna noong April 1, Easter Sunday.

May funny anecdote tungkol sa proposal ni Sancho kay Shanna kaya natunugan nito ang gagawin ng boyfriend niya.

Ayaw ni Sancho na magkaroon si Shanna ng idea sa sorpresang inihahanda niya, pero ipinagkanulo siya ng nail cutter.

Naghahanap si Shanna ng nail clipper at ang resibo ng singsing na binili ni Sancho ang nakita niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results