Nadine Lustre, wala pang kapalit sa The Nurse

by Jojo Gabinete
Apr 2, 2018

Ang conflict sa mga schedule ang ibinigay na dahilan ng award-winning writer and director na si Jun Lana kaya hindi na matutuloy ang pagbibida ni Nadine Lustre sa The Nurse.


Personal na tinanong ng Cabinet Files si Lana tungkol sa aktres na napipisil niyang ipalit kay Nadine.

Continue reading below ↓

"Wala pa" ang sagot ni Lana, na nagpahiwatig na matatagalan pa bago matuloy ang project na kukunan ang mga eksena sa Japan.

Hindi na kasi available ang buong staff ng The Idea First Company, ang production outfit nila ng kanyang partner na si Perci Intalan.

Fact: Hindi dapat malungkot ang fans ni Nadine dahil isang insider ang nagsabi sa Cabinet Files na malaki pa rin ang posibilidad na matuloy ang pagbibida niya sa The Nurse.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results