Bianca Manalo, nagamit ang pagiging flight attendant nang ma-stranded sa dagat

by Jojo Gabinete
Apr 3, 2018

Kung itinuturing na bayani si Pandan, Antique Mayor Jonathan Tan dahil sa pagliligtas nito sa mga kasamahang naiwan sa lumubog na speedboat sa karagatan ng Sebaste, Antique noong Maundy Thursday, March 29, bayani ring maituturing ang kanyang girlfriend—ang beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo.

Ito ay dahil sa katapangan at katatagan ng loob na ipinakita niya sa gitna ng panganib.

Bago napanalunan ang titulo bilang Bb. Pilipinas Universe noong 2009, nagtrabaho si Bianca bilang flight attendant ng Philippine Airlines.

Napakinabangan niya ang kanyang mga kaalaman sa first-aid training sa tragic incident na nangyari noong nakaraang Huwebes.


Continue reading below ↓

Nang lumubog ang speedboat na sinasakyan nila, hinubad ni Bianca ang kanyang damit para hindi mabigat.

Nanatili rin siyang kalmado na isa sa mga unang itinuturo sa mga flight attendant kapag may emergency cases at higit sa lahat, hindi siya nakalimot sa paulit-ulit na pagdarasal at paghingi ng tulong sa Poong Maykapal.

Eksklusibong nakapanayam ng ABS CBN News si Bianca nang dumating ito kanina, 11:30 AM, kasama si Mayor Tan, sa NAIA Terminal mula sa Kalibo, Aklan.

May trauma pa rin si Bianca dahil naiiyak at nanginginig ang kanyang mga kamay nang ikuwento ang nangyari habang wala si Mayor Tan, na lumangoy ng dalawa at kalahating oras para humingi ng tulong.

Dahil limitado ang oras, may mga detalyeng hindi napanood sa ABS-CBN News, tulad ng kuwento na pinigilan ni Bianca ang dalawang bata (8 and 9 years-old) na tumingin, para hindi ma-trauma, kay Bennie Dable habang bumubula ang bibig nito dahil inatake sa puso.

Continue reading below ↓

Si Dable ang pinsan at driver/bodyguard ni Mayor Tan na binawian ng buhay habang palutang-lutang sila sa karagatan ng Sebaste.

"Don’t look at him. Look at me, look at me" ang kalmado at paulit-ulit daw na sabi ni Bianca sa mga batang nakaligtas din mula sa lumubog na speedboat.

Nakakapangilabot isipin ang kuwento na kung nahuli ng 15 minuto ang pagdating ng mga nagligtas kay Bianca at sa anim na kasama nito, tiyak na namatay na rin sila dahil nakahawak na lamang sila sa propeller ng speed boat na dahan-dahan nang lumulubog.

Naniniwala si Bianca na may misyon pa itong dapat gawin kaya nabigyan siya ng second life, pero hindi pa niya alam ang purpose ng kanyang pagkakaligtas.

Mula nang mangyari ang trahedya, naging mas madasalin si Bianca na bumalik kahapon, Lunes, sa Sebaste para personal na pasalamatan ang mga mangingisdang nagligtas sa kanila ng kanyang mga kasama.

Fact: Dinala na ang bangkay ni Bennie Dable sa bayan nito sa Banga, South Cotabato.

Continue reading below ↓

"Carelessness" ang sagot ni Bianca nang tanungin ito tungkol sa hindi nila pagsusuot ng mga life jacket nang sumakay sila sa speedboat na magdadala sa kanila sa isla ng Mararison sa Culasi, Antique.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Bianca Manalo
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results