Maricel Soriano, di pa kumpirmado sa mga proyekto nina Angel at Liza

IMAGE Noel Orsal


By JOJO GABINETE

The General’s Daughter ang working title ng prime time TV series ng ABS-CBN na pagbibidahan ni Angel Locsin.

Ang Dreamscape Entertainment Television ang producer ng Angel Locsin-starrer pero naghahanap pa sila ng aktor na gaganap na heneral.

Speculations lang at hindi kumpirmado ang balitang makakasama si Maricel Soriano sa The General’s Daughter.

Haka-haka rin ang balitang si Maricel ang gaganap na nanay ni Liza Soberano sa Darna movie ng Star Cinema.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kumpirmadong tiya ni Paolo Ballesteros ang role ng aktres sa My 2 Mommies, ang Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment Inc. na magbubukas sa mga sinehan sa May 9, 2018.

Hindi pa tapos ang filming ng My 2 Mommies dahil apat na araw pa ang bubunuin ng mga artista at crew ng pelikula.

"Rejuvenated" ang description kay Maricel ng mga kasamahan niya sa My 2 Mommies dahil ganadong-ganado sa pagtatrabaho at masaya raw siya sa set.

"Obvious na na-miss ni Maricel ang pag-arte at paggawa ng pelikula," ang sabi ng isang staff member.

Natutuwa ang staff member dahil magaan na magaang katrabaho ang aktres, na bihira nang gumawa ng pelikula at hindi na masyadong visible sa telebisyon.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN