Watch Now

Anne Curtis, ready nang sumabak sa London Marathon

by Jojo Gabinete
Apr 6, 2018

Handang-handa na si Anne Curtis para sa 38th annual London Marathon, na may 39,000 participants at magaganap sa April 22.


Pupunta si Anne sa United Kingdom sa April 18, pero babalik agad siya sa Pilipinas sa April 23, isang araw pagkatapos ng London Marathon, dahil sa kanyang mga commitment.

Kabilang dito ang daily hosting job niya sa It’s Showtime at shooting ng Sid and Aya (Not a Love Story), ang pelikula nila ni Dingdong Dantes na may playdate sa May 30.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sobrang ready na ako sa London Marathon, lalo na tatakbo ako with blk cosmetics hahaha. Yun ang lipstick ko, that’s a good idea.

"Maybe I should come out with a limited edition London Marathon color.

"I’m very very excited, we have 17 days to go until the run.

"I did my long distance na 34.7 kilometers in the bag so tapering na lang," ang latest update ni Anne tungkol sa paghahanda niya sa 38th annual London Marathon.

Hindi nakakalimutan ni Anne na banggitin sa lahat ng mga interview sa kanya ang blk cosmetics, ang five-month-old make-up line niya.

Natuwa si Anne nang malaman nitong nakaapekto sa sales ng high-end cosmetics ang make-up line niya dahil sa kanyang paniniwala na “there’s room for everyone.”

Hindi nakalimutan ni Anne na pasalamatan sa launch ng blk cosmetics sa Dessert Museum kahapon, April 5, ang lahat ng mga positive feedback na natanggap niya tungkol sa teaser ng Sid and Aya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results