Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Gina Alajar, first time na pagsasabayin ang pag-arte at pagdidirek

by Jojo Gabinete
Apr 6, 2018

Si Gina Alajar ang main kontrabida sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka, ang afternoon drama series ng GMA-7.

Siya rin ang direktor ng Extraordinary Love, ang upcoming prime time series ng Kapuso Network.



Tiniyak ni Gina na hindi papatayin ang karakter niya sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka, pero magtatrabaho na siya mula Lunes hanggang Sabado dahil sa kanyang mga television assignment.

Continue reading below ↓

"First time na magkasabay sila. Sa isang proyekto, umaarte ako; sa isang project nagdidirek ako.

"Nakapag-usap na ang production na the priority now is Extraordinary Love.

"Sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka, it would be an effort to finish me early so that I can rest and I would be ready for the next day’s work.

"Practically, I will be working from Mondays to Saturdays.

"Kailangan ako na matapos na maaga para I would have enough sleep," ang paliwanag ni Gina tungkol sa mga television project niya.

Nagkaroon ng mga suspetsa na ang Extraordinary Love ang ipapalit sa Kambal, Karibal kapag nagwakas ito sa susunod na buwan dahil sa kuwento ni Gina na nag-usap na sila ng kanyang anak na si Ryan Eigenmann, na cast member ng Bagani ng ABS-CBN.

“Nasabi ko sa kanya, we are pitted against each other, but he grew up in this family and para sa amin, he needs that work and I need to work also.

Continue reading below ↓

"Ang dasal ko na lang, equal.

"I’m sure, magkakaroon ng sariling audience ang show natin. I’m sure of that…" sabi ni Gina.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results