Show ng top Kapuso stars sa US at Canada, parehong successful

by Jojo Gabinete
Apr 10, 2018

Ang direktor na si Rico Gutierrez ang nagbalita sa Cabinet Files na parehong successful ang Sikat Ka, Kapuso show sa Newark Symphony Hall, New Jersey noong April 7 at sa Sony Centre for the Performing Arts sa Toronto, Canada noong April 8.

Si Rico ang direktor ng concert na tinampukan ng Kapuso stars na sina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, Betong Sumaya, at Alden Richards.


Continue reading below ↓

Kuwento ni Direk Rico, “Sobrang daming tao sa Toronto, ang saya! Puno rin ang show namin sa New Jersey.

"Nag-YouTube Space shoot kami para sa promo ng concert. Ang ganda ng studio ng YouTube."


Ang shoot nila sa YouTube Space ang isa sa mga highlight ng US trip nila, ayon kay Direk Rico.

"Nag-unlock" ang GMA Network, Inc. sa lahat ng YouTube Space so puwedeng gumamit ng YouTube Space sa Tokyo, Los Angeles, at sa iba pa,” paliwanag ni Gutierrez tungkol sa memorable shoot ng Kapuso stars sa YouTube Space New York.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Rico Gutierrez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results