TV networks, ingat sa pagbibigay ng proyekto sa actor-politicians dahil sa 2019 elections

by Jojo Gabinete
Apr 10, 2018

Sa October 2018 ang filing ng certificates of candidacy para sa 2019 midterm elections.

Kaya maingat na ang mga television network sa pagbibigay ng assignments sa mga artistang government official at mga aktor na nagpaplano na kumandidato sa susunod na eleksyon para hindi sila maakusahan ng paglabag sa Election Code of the Philippines.

Gusto ng ABS-CBN na bigyan si Richard Gomez ng important role sa The General’s Daughter, ang primetime show ni Angel Locsin.

Pero nalaman nilang kakandidato uli ang aktor bilang mayor ng Ormoc City sa 2019.


Continue reading below ↓

Re-electionist si Alfred Vargas bilang house representative ng District V ng Quezon City.

Kung bibigyan uli ng bagong programa ng GMA-7 kapag natapos sa susunod na buwan ang top-rating prime time teleserye na Kambal Karibal, sinabi ni Alfred na puwede pa siyang tumanggap ng project, basta hindi ito aabot sa campaign period sa 2019.


Continue reading below ↓

Sina Jestoni Alarcon at Anjo Yllana ang dalawa sa mga aktor na public official at regular na napapanood sa TV.

Co-host si Anjo ng Eat Bulaga! at mahalaga ang role ni Jestoni sa Blood Sisters ng ABS-CBN.

Kapag nagdesisyon ang dalawang muling kumandidato sa susunod na eleksyon, mapipilitan silang magpahinga muna sa paglabas sa telebisyon hanggang hindi natatapos ang kampanya at ang halalan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results