Dingdong Dantes, tatakbo bilang senador o congressman?

by Jojo Gabinete
Apr 21, 2018

Kasama ang pangalan ni Dingdong Dantes sa recent Pulse Asia Research Inc. survey tungkol sa mga showbiz personality na malaki ang tsansang manalo kapag kumandidato bilang senador sa 2019 elections. 


Hindi pa naglalabas ng statement si Dingdong tungkol sa resulta ng nationwide survey ng Pulse Asia, pero may balita ring binabalak ng aktor na kumandidato bilang house representative sa halalan sa susunod na taon.

Continue reading below ↓

May dalawang version ang balita.

Una, tatakbo umano si Dingdong bilang congressman ng second district ng Quezon City sa 2019 elections.

“I don’t know” naman ang sagot ni Winnie Castelo, ang incumbent house representative ng District 2 ng Quezon City nang tanungin siya ng Cabinet Files tungkol sa isyu na kakandidato si Dingdong sa distritong nasasakupan niya.

Si Castelo ang asawa ng former actress na si Precious Hipolito na incumbent councilor naman ng second district ng Quezon City.

Ang plano na kakandidato siya bilang house representative ng isang party list ang second version naman ng balita tungkol sa political plans ni Dingdong sa 2019.

Pero haka-haka pa rin ito at nangangailangan ng kumpirmasyon mula sa kanya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results