Jay Sonza, dawit sa mga birada ni Kris Aquino kay James Yap

by Jojo Gabinete
Apr 24, 2018

Dawit ang pangalan ni Jay Sonza sa mga isinusumbat ni Kris Aquino kay James Yap dahil sa statement ng dating broadcaster na "baklain" si Bimby, ang anak ng estranged couple.


Tumanggap si Sonza ng mga batikos dahil sa kanyang Facebook post noong January 24, 2018:

Continue reading below ↓

“Hindi alam kung matutuwa ako o malulungkot para sa Philippine media ngayon.

"Akalain mo, nadulas lang sa swimming pool iyong baklaing si Bimby, anak ni Kris Aquino sa pangatlong kinasama niyang lalaki, headline ng maraming himpilan ng radio at telebisyon!"

Sa recent tirades ni Kris kay James, isinumbat niya sa dating asawa ang pananahimik nito nang tawagin ni Sonza na "baklain" ang kanilang anak.

"Nasaan ka nung binully si Bimb nung datihang broadcaster na hindi naman umuubra ang pagsisipsip kay PRRD, nung tinawag niya na baklain at lampa ang anak mo?"


Continue reading below ↓

Katulad ng libu-libong mga Pilipino na aliw na aliw at ginawang form of entertainment ang pagsubaybay sa never-ending saga nina Kris at James, may opinyon uli si Sonza laban sa TV host-actress, pero sumablay dahil sa kakulangan ng research.

Mali ang paniniwala ni Sonza na bitter si Kris dahil "lumalabas na very successful ang second marriage and new family ni dating husband."

Continue reading below ↓

Kung nagsaliksik na mabuti si Sonza, malalaman niyang hindi successful ang marriage ni James kay Michela Cazzola dahil hindi pa kasal ang dalawa.

Importante sa mga mamamahayag na accurate o tumpak ang mga impormasyong inihahatid nila sa publiko para hindi makuwestiyon ang kanilang mga kredibilidad.

Fact: Pareho na ngayon ng kapalaran sina Kris Aquino at Jay Sonza.

Ibinalik kay Kris ng mga basher niya ang kanyang sinabi na pagsipsip ni Sonza kay President Rodrigo Duterte.

Pinararatangan ding sipsip si Kris kay Duterte dahil sa good words niya para sa Pangulo at sa apo nito, ang aspiring actress na si Isabelle Duterte.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results