Kris Aquino, dalawa lang ang eksena sa Crazy Rich Asians; isa pang Pinoy kasali sa cast

by Jojo Gabinete
Apr 25, 2018

Maiksi pero importante ang role ni Kris Aquino sa movie version ng Crazy Rich Asians.

Ayon ito sa mga Pilipino na nanood ng special advance screening na ginanap sa United Artists Theatre sa Los Angeles, California, kahapon, April 24.


Hindi si Kris ang nag-iisang Pilipino na kasali sa cast ng Hollywood movie na magbubukas sa mga sinehan sa August 17, 2018.

Continue reading below ↓

Kasama rin si Nico Santos, ang Filipino-American actor na gumanap na pinsan ni Henry Golding, ang lead actor ng pelikula.


Nico Santos (extreme left) with his co-stars in Crazy Rich Asians

Bago nagsimula ang screening ng Crazy Rich Asians, nagbigay muna ng mensahe ang cast.

Dito sinabi ni Nico na isang pangarap na natupad ang mapabilang siya sa naturang project.

Continue reading below ↓

“I feel like Miss America. Seriously, this project does mean a lot to me as somebody who was born and raised in the Philippines, growing up watching American movies with only white people in them.

"I never thought I would be part of this, be part of like a cultural marker and it’s kinda amazing that I’m here, that I’ll end up here with these amazing people.

"I hope you feel all the hard work and the love and the joy that we put into this project," ang sabi ni Nico, na openly gay.

Tumanggap siya ng malakas na palakpak at tawanan mula sa kanyang mga co-star at audience ng special screening ng Crazy Rich Asians.

Fact: "I’m jealous" ang sagot ni Kris Aquino sa isang Pilipino na nanood ng special screening ng Crazy Rich Asians at nagsabi sa kanyang mas maganda ang pelikula kesa sa book version nito na isinulat ni Kevin Kwan.

Continue reading below ↓

Positive din ang reviews ng film critics sa Crazy Rich Asians na nagpaiyak sa mga dumalo sa special screening.

Mismong si Kris ang nagsabi na ayaw nitong “magpaka-feeling” kaya inamin niyang dalawa lang ang kanyang eksena sa Crazy Rich Asians.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results