Miss Eco International 2018 Cynthia Thomalla, mas bagay sa more prestigious beauty pageants

by Jojo Gabinete
Apr 30, 2018

Kapapanalo pa lang ni Cynthia Thomalla ng Miss Eco International 2018 crown noong Biyernes, April 27, sa Cairo, Egypt.


Hindi pa ganap na nasisimulan ni Cynthia ang mga responsibilidad nito bilang Miss Eco International, pero kinukumbinsi na siya ng kanyang mga supporter na sumali sa Binibining Pilipinas sa susunod na taon dahil malaki ang tsansa niyang manalo sa mga beauty pageant na higit na prestigious.

Continue reading below ↓

May dahilan para mangarap nang gising ang mga naniniwala kay Cynthia dahil talagang maganda at matalino siya, tulad ni Catriona Gray na winner din sa Miss World Philippines pero nagtagumpay na makuha ang Miss Universe Philippines title nang sumali sa Binibining Pilipinas 2018.

Kahit si Cynthia ang top winner ng Miss Eco International, may nararamdamang disappointment ang mga Pinoy na mahilig sa mga beauty pageant dahil nagdusa sila sa limang oras na panonood via live streaming ng coronation night ng contest.

Bukod sa sangkatutak na special awards na ipinamigay sa mga kandidata, annoying para sa Pinoy audience ang madaldal na male host na kababawan ang mga sinasabi, ang female co-host na imbes na "Miss," paulit-ulit na "Mrs."(Mrs. Peru, Mrs. Philippines, et al) ang tawag sa mga contestant, at ang paper bags na bitbit ng mga presenter na naglalaman ng mga sash na ibinibigay sa mga nanalo.

Para sa mga Pilipinong maselan ang panlasa, dapat na ipadala si Cynthia bilang official representative ng Pilipinas sa mga prestigious beauty contest gaya ng Miss Universe, Miss International, at Miss World.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Cynthia Thomalla
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results