Andrew Muhlach, nagbigay ng update sa kalagayan ni Amalia Fuentes

by Jojo Gabinete
May 2, 2018

"Ganoon pa rin po," ang sagot ni Andrew Muhlach nang kumustahin ng Cabinet Files ang kanyang tiya, ang former movie queen na si Amalia Fuentes na nagkaroon ng ischemic stroke habang nagbabakasyon sa South Korea noong October 2015.


"Kapag tinuturuan mo siya na magsalita, like banggitin ang pangalan na Alvaro [Niño Muhlach’s father], sasabihin niya ‘A-l-v-a-r-o.’

Continue reading below ↓

"Tuluy-tuloy din ang therapy niya. Sana maka-recover si Tita kasi close din kami,” ang sabi ni Andrew.


Isa si Andrew sa mga lead star ng #Squad Goals, ang youth-oriented movie ng Viva Films na magbubukas sa cinemas nationwide sa May 9.

Four years old si Andrew nang magsimula ang showbiz career nito, kaya ikinalungkot niya ang pagtuntong sa awkward age and stage dahil dumalang ang mga television at movie assignment noong 10 years old siya.

Continue reading below ↓


“Batang-bata pa lang ako, gustong-gusto ko nang mag-artista kaya nalungkot ako nang dumating ako sa awkward stage.

"Ang ginawa ko, lumabas ako sa mga stage play dahil producer ng mga stageplay, Pedro Calungsod at Romeo & Juliet, si Kuya Niño,” ang pagbabalik-alaala ni Andrew.

Ayon kay Andrew, parang Bagets, ang 1984 blockbuster film ng kanyang half-brother na si Aga Muhlach, ang #Squad Goals.

Continue reading below ↓

Isa itong barkada movie, pero makaka-relate din ang mga magulang sa kuwento ng pelikula nila nina Jack Reid, Vitto Marquez, Julian Trono, at Dan Huschka.

Hindi pa isinisilang si Andrew nang ipalabas ang Bagets sa mga sinehan dahil 1998 siya nang ipanganak.

Hindi pa napapanood ni Andrew ang Bagets, pero sinabi sa kanya ng tatay nila ni Aga na nagsimula sa nabanggit na pelikula ang acting career ng kanyang kuya at mahirap nang mapantayan ang Bagets.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results