Sexy actress at businesswoman, umabot na sa social media ang patutsadahan dahil sa utang

by Jojo Gabinete
May 3, 2018

Umabot na sa patutsadahan sa social media ang hindi pagkakaunawaan ng sexy actress at ng businesswoman na may utang sa kanyang malaking halaga ng pera.

One of these days, hindi nakapagtataka kung humantong sa court case ang alitan ng dalawa dahil kahit nananatiling edukada at composed ang sexy actress, palaban at maligalig ang businesswoman na pinagkatiwalaan niya.

Nasaktan ang sexy actress dahil ito na nga ang nagpahiram ng pera, siya pa ang isinusumpa ng businesswoman na idinadamay rin sa gulo ang pamilya niya.

Nagwawala sa galit ang businesswoman dahil apektado na ang kanyang anak ng away nila ng sexy actress.

Nagbanta ang businesswoman na hindi niya tatantanan ang sexy actress na tinawag niya na "hayop" kapag ipinagpatuloy ang mga parinig laban sa kanya.

Walang nakikitang dahilan ang Cabinet Files para mabahala ang sexy actress dahil maraming kapwa niya artista na handang tumestigo para sa kanya at magpapatunay na siya ang biktima ng pang-aagrabyado ng businesswoman.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results