Ang The Theatre ng Solaire Resort & Casino ang venue ng Gabi ng Parangal ng 66th FAMAS sa June 10, 2018.
Sa unang pagkakataon, pipiliin ng independent jury na binubuo ng movie practitioners, academicians, at mga kritiko—na pangungunahan ng multi-awarded witer na si Ricky Lee—ang pagpili sa mga mananalo ng FAMAS awards.
FAMAS Best Actress awardees: (L-R) Angel Locsin (2013, One More Try); Nora Aunor (1985, Bulaklak Sa City Jail) & Sharon Cuneta (1985, Dapat Ka Bang Mahalin?), and Vilma Santos (1988, Tagos Sa Dugo)
Ngayong Huwebes hapon, May 3, ang announcement ng mga nominado sa iba’t ibang kategorya ng oldest award-giving body sa Pilipinas.
Official government partner ng 66th FAMAS ang Film Development Council of the Philippines.
Hopefully, sa tulong ng independent jury at ng FDCP, muling maibabalik ang tiwala ng publiko sa FAMAS na nabawasan ang kredibilidad dahil sa mga kontrobersya na kinasangkutan sa mga nagdaan na panahon.
Lampas na sa sampung mga daliri ang mga award-giving body sa ating bansa at kung meron dapat unang isalba, pangalagaan at ibalik ang kredibilidad, ito ay ang FAMAS.