Miss Universe 2018, siguradong sa Pilipinas na gagawin?

by Jojo Gabinete
May 5, 2018

Magkasunod na dumating ngayon sa bansa si Miss Universe 2017 Demi-Leigh Peters at Miss Universe 2016 Iris Mittenaere dahil malaki ang partisipasyon nila sa The Grit & Glam: Miss Universe and World’s Strongest Men, ang event na magaganap sa May 8 sa The Cove, Okada, Manila. 


Continue reading below ↓

Demi-Leigh Peters

Kasama rin sa The Grit & Glam si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Ang Frontrow ang presentor ng The Grit & Glam at producer nito ang Empire.ph at Mercator ng beauty queen maker na si Jonas Gaffud.

Nagkaroon ng mga haka-haka na idaraos sa Pilipinas sa November 2018 ang 67th Miss Universe dahil sa pagbabalik-Pilipinas ng Miss Universe winners at ng mga representative ng Miss Universe Organization.

Noong April 26, nagsalita si Department of Tourism Secretary Wanda Teo na gusto niyang maganap sa Pilipinas sa ika-apat na pagkakataon ang Miss Universe sa November 2018.

Puwede itong isabay sa muling pagbubukas sa publiko ng Boracay island na sumasailalim sa kasalukuyan sa anim na buwang rehabilitasyon.

Ang Pilipinas ang nakalagay na location sa Wikipedia ng 67th Miss Universe kaya lalong lumakas ang paniniwala na ang ating bansa ang host country ng 2018 edition ng naturang beauty pageant.

Pero kailangan pa rin ng official confirmation mula sa Department of Tourism.

Continue reading below ↓


Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results