Direk Mac Alejandre, tinanggap ang hamon bilang creative director ng 66th FAMAS Awards

by Jojo Gabinete
May 5, 2018

Ang multi-awarded screenwriter, playwright at novelist na si Ricky Lee ang head ng selection committee ng 66th FAMAS at creative director naman nito si Mac Alejandre. 


Mac Alejandre

Tinanggap ni Mac ang hamon na magkaroon ng responsibilidad sa 66th FAMAS dahil naniniwala siya sa oldest-award giving body sa Pilipinas.

Bilang creative director, may pakialam si Mac sa lahat ng logistics at activities ng 66th FAMAS, hanggang sa gabi ng parangal nito sa June 10 na magaganap sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino.

Continue reading below ↓

“Malaking bagay kaya tinanggap dahil naniniwala kami sa FAMAS, sa institusyon.

"Lumaki kaming lahat na ang FAMAS, tinitingala.

"I won’t touch about the credibility or what.

"Ang puwede ko lang sabihin, si Ricky was given the free hand in choosing the board, the jury members at ang assurance namin is artistic excellence.

"Hindi kami naniniwala sa mainstream at sa indie. Naniniwala kami na malawak ang landscape ng Philippine cinema.

"Hindi siya puwedeng i-divide ng indie, ng mainstream, ng short film o documentary.

"Lahat siya, dapat i-recognize ng landscape na 'to," pahayag ni Mac sa Cabinet Files ng PEP.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results