Glydel Mercado, nagpatotoo sa milagro ng Our Lady of Amorseco sa Pampanga

by Jojo Gabinete
May 7, 2018

Sa tunay na buhay, relihiyosa at may mga koleksiyon ng santo si Glydel Mercado.

Ito ang dahilan kaya hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang Poon, isa sa mga official entry sa 3rd Cine Filipino Film Festival, na magsisimula sa May 9 at matatapos sa May 15.


Joint project ng Cignal TV at Unitel Productions Inc. ang Cine Filipino Festival na may walong pelikulang kalahok at itatanghal sa mga sinehan ng Gateway, Ayala Malls, at CineLokal ng SM Malls.

Continue reading below ↓

“Nang mabasa ko ang script, sabi ko, akong-ako ito kaya tinanggap ko ang project.

"Marami akong santo sa bahay at bago ako umalis, lahat sila dinadasalan ko kaya nagagalit si Tonton [Gutierrez, her husband] dahil natatagalan ako,” pahayag ni Glydel, na isang Marian devotee at naniniwala sa mga himala.


Ang Our Lady of Amorseco sa San Fernando, Pampanga ang regular na pinupuntahan ni Glydel.

Continue reading below ↓


Ayon sa kanya, may mga milagro nang nagawa sa kanya ang nabanggit na imahe.

Testimonya ni Glydel, “Tuwing October 8 ang feast day ng Our Lady of Amorseco.

"Kapag iniimbitahan nila kami, nagkakataon na may mga taping kami ni Tonton.

"Pero biglang napa-pack up sa araw na yun ang taping namin, limang beses nang nangyayari yun."

Continue reading below ↓

Ikinuwento ni Glydel na Our Lady of Amorseco ang pangalan ng imahe ni Blessed Virgin Mary dahil tinutubuan ito ng mga amorseco sa mukha.

Sina Eula Valdes at Nora Aunor ang ilan sa mga kapwa artista na binanggit ni Glydel na nagpunta sa San Fernando para makita ang Our Lady of Amorseco.

Tungkol sa poon o imahe na naghihimala at may pangalan na San Vargas ang kuwento ng Poon.

Si Shy Carlos ang gumaganap na anak ni Glydel sa Poon at si Roni Supangan Benaid ang direktor ng pelikula.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Glydel Mercado
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results