Young fans ni Maricel Soriano, in full force na dumating sa premiere ng My 2 Mommies

by Jojo Gabinete
May 8, 2018

Napatunayan naming totoo ang sinabi ni Maricel Soriano na nagugulat at nagtataka siya dahil mga bata ang fans niya.

Kagabi, May 7, ang successful red-carpet premiere ng My 2 Mommies sa Cinema 7 ng SM Megamall.


In full force na dumating ang young fans ni Maricel para suportahan ang special participation niya sa Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment Inc.

Continue reading below ↓

May dahilan para magtaka si Maricel dahil halos parang mga anak na niya ang mga tagahanga na "Inay Marya" ang matunog na tawag sa kanya.

Bago nagsimula ang screening ng My 2 Mommies, muling ikinuwento ni Maricel na hindi siya nagdalawang-isip tanggapin ang role bilang tita ni Paolo Ballesteros sa pelikula dahil sa kanyang pagmamahal sa Regal Entertainment, Inc. producer na si Mother Lily Monteverde.

Ang anak ni Mother Lily na si Roselle ang executive producer ng My 2 Mommies.

Lubos ang pasasalamat ni Roselle sa Diamond Star dahil tinanggap nito ang role.


Continue reading below ↓

Ani Roselle, "My friend, Maricel Soriano, to whom I am very grateful for bravely accepting the role.

"Marya is awesome with being just herself her signature performance—witty and still undoubtedly still the unbeatable actor with great timing and very respectable."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results