Avengers: Infinity War, nag-shooting sa Pilipinas noong June 2017

by Jojo Gabinete
May 9, 2018

Nakipag-ugnayan ang Cabinet Files kay Nicholas Simon, ang executive producer ng Indochina Productions na Thailand-based.

Nalaman naming nag-shooting ang grupo niya sa Ekleng Village sa Banaue, Ifugao, noong June 2017 para sa eksena na ginamit sa Avengers: Infinity War.


Ang Indochina Productions ang Asian partner ng Marvel Studios, ang producer ng Hollywood movie na patuloy na pinipilahan sa box office.

Continue reading below ↓

Bukod sa Avengers: Infinity War, ikinuwento ni Simon na sila rin ang responsable sa opening scene ng Pacific Rim na kinunan sa Maynila.

Ang Pacific Rim ng American science fiction film ng Legendary Pictures at Warner Bros.Pictures na ipinalabas sa mga sinehan noong July 2013 at may worldwide box office gross na US$411 million.

Continue reading below ↓



“The opening sequence of the first Pacific Rim has some shots of Manila. We serviced that,” ang rebelasyon ni Simon sa Cabinet Files.


Project din ng Indochina Productions ang A Prayer Before Dawn, ang drama movie na kinunan sa Cebu ang mga eksena, nagkaroon ng premiere sa Cannes Film Festival noong May 2017, ipalalabas sa US cinemas sa August 10, 2018 at mapapanood sa Netflix bago matapos ang taon.

Continue reading below ↓



“We shot the final 15 minutes of A Prayer Before Dawn in Cebu in June 2017,” ang sabi ni Simon.

Ang grupo rin ni Simon ang gumawa ng Hennesy commercial ni Senator Manny Pacquiao, five years ago, at kinunan din sa Pilipinas ang mga eksena.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Avengers
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results