Korina Sanchez, nagtaka na nag-trending ang balitang payag siyang mag-ninang sa anak nina James at Michela

Nagtaka si Korina Sanchez dahil, ayon sa sariling salita niya, “nag-trending” ang balitang payag siyang maging ninang ng anak nina James Yap at Michela Cazzola.


Apparently, hindi napansin ni Korina na nasa likod niya kami nang magtanong sina Lolit Solis at Ricky Lo kung papayag siyang maging ninang ng sanggol na isisilang ni Michela sa susunod na buwan (sa chance encounter nila noong Martes, May 8, 2018, sa harap ng building ng Manila House) kaya narinig namin ang sagot niya na, “Why not? Tatanggapin ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakarating sa amin ang pahayag ni Korina na hindi siya magre-react tungkol sa kanyang harmless reply na binigyan ng malisya at big deal sa mga sumusubaybay sa isyung pinaputok ni Kris Aquino noong April 22, 2018.

Mga sikat at kontrobersiyal na television personality sina Korina at Kris, na nagkaroon ng koneksiyon nang magkasama sila sa morning show ng ABS-CBN na Morning Girls with Kris and Korina (July 2002 to May 2004).

Kahit hindi mag-react o patulan ni Korina ang mga isyung may kinalaman sa kanila ni Kris, hindi ito maiiwasan, lalo na nang i-reveal niya sa publiko ang pangalan ng kanyang talented driver na hobby na ang kunan siya ng mga candid shot habang bumababa mula sa hagdan ang television host, gamit ang cellphone camera.

Ang pangalan ng talented driver ni Korina? Ninoy.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close