Labi ni Cheng Muhlach, na-cremate na

by Jojo Gabinete
May 13, 2018

Nangyari kagabi ang cremation sa labi ni Alvaro “Cheng” Muhlach, ang 74-year-old father ni Aga Muhlach na sumakabilang-buhay kahapon sa St. Luke’s Medical Center dahil sa cardiac arrest.

Kumpleto ang mga anak at apo ni Cheng sa cremation na ginanap sa The Heritage Park Mortuary and Crematory sa Taguig City at ngayon naman ang umpisa ng lamay para sa kanyang abo sa funeral chapels 2 and 3.

Kararating lang ni Aga mula sa Greenland noong Biyernes at kinabukasan, Sabado, nang bawian ng buhay ang ama niya.

Ang Greenland ang location ng pelikula na ginagawa nina Aga at Alice Dixson na mula sa direksyon ni Veronica Velasco at joint production venture ng Viva Films at Misschief Productions.

Naulila ni Cheng ang kanyang mga kapatid na sina Amalia at Alex (tatay ni Niño Muhlach) at ang walong anak niya. Ipina-cremate agad ng pamilya Muhlach ang bangkay ni Cheng dahil ito ang bilin niya noong nabubuhay pa siya.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results