Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Nora Aunor, umalma sa tsismis na problema siya sa taping ng bagong Kapuso teleserye

by Jojo Gabinete
May 14, 2018

Ang mga member ng entertainment press na ayaw sa kanya ang pinagdududahan ni Nora Aunor na source ng balitang naging problema siya sa mga unang araw ng taping ng bagong prime time television series ng GMA-7 na pinagbibidahan niya.


“Alam n’yo po, sa tagal na hindi ako nakagawa ng teleserye at nagkaroon ako ng teleserye, andiyan na naman siyempre yung mga naninira sa akin na hindi na dapat.

Continue reading below ↓

"Sa akin, press din ang nag-umpisa niyan.

"Siguro may mga hindi nagkakagusto sa akin na press, marami 'yan, di ba?” ang depensa ni Nora.

Pinatotohanan ni Nora na 10 PM ang cut-off time nito sa taping, kahit noong ginagawa niya ang Little Nanay, ang 2015 prime time teleserye ng Kapuso Network.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Iniintriga ang early 10 PM cut-off time ni Nora, pero ang hindi alam ng detractors niya, maaga pa lang, nasa set na siya.

"Sinusundo ako ng 6 AM, 7 0’clock dapat nasa set.

"May sundo naman kaya on time talaga kami, hindi lang naman ako.

"Lahat kami, nagkakasundo, nakakapag-start talaga kami ng nasa oras," ang paliwanag ni Nora tungkol sa oras ng trabaho niya.

Nilinaw ni Nora ang tsismis na may problema siya sa kalusugan dahil wala itong katotohanan.

Ipinaabot din ng veteran actress ang taus-pusong pasasalamat sa GMA Network, Inc. na patuloy na nagtitiwala sa kakayahan niya kaya tumatanaw siya ng malaking-malaki na utang na loob.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Nora Aunor
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results