Mother Lily on box-office success of My 2 Mommies: "Thank you for making me rich!"

by Jojo Gabinete
May 16, 2018

“Thank you for making me rich!” ang biro ni Mother Lily Monteverde sa lahat ng mga dumalo sa thanksgiving presscon para sa box-office success ng My 2 Mommies sa Valencia Events Place kahapon, May 15.


Sumisigla na uli ang local movie industry ang prediction ni Mother Lily na umaasang magkakaisa ang mga movie producer para lalong maging matatag ang movie-making business.

Continue reading below ↓

Ikinuwento ni Mother Lily na tuwang-tuwa siya sa mainit na pagtanggap ng publiko sa My 2 Mommies dahil pataas nang pataas ang box-office gross ng pelikula mula nang magbukas ito sa mga sinehan noong May 9.

Masayang ibinalita ng Regal Entertainment, Inc. producer na P14 million ang kinita ng My 2 Mommies noong Linggo, Mother’s Day.

Dahil extended ang showing ng My 2 Mommies, tiyak na magpapang-abot ito at ang So Connected sa mga sinehan.

Ang Regal Entertainment, Inc. din ang producer ng So Connected, ang romantic-comedy movie na pinagbibidahan nina Janella Salvador at Jameson Blake.

Magbubukas ito sa cinemas nationwide sa darating na Miyerkules, May 23.

Bukod sa patuloy na paggawa ng mga pelikula, nabanggit ni Mother Lily na siya ang magpo-produce ng talk show nina Ricky Lo at Lolit Solis na mapapanood sa YouTube.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results