Anne Curtis, tatlong pelikula ang magkakasunod na ginawa kahit may noontime show pa siya

by Jojo Gabinete
May 18, 2018

Anim na araw na namalagi sa Japan ang lead stars at production crew ng Sid & Aya.

Limang araw na kinunan ang mga eksena nina Dingdong Dantes at Anne Curtis na relevant sa kuwento ng pelikula, hindi dahil gusto ng direktor na si Irene Villamor na magkaroon ng free trip sa Japan.

Bilib na bilib sa sipag ni Anne ang production staff ng Sid & Aya dahil tatlong pelikula ang magkakasunod na ginawa niya at may daily show pa siya sa ABS-CBN, ang It’s Showtime.


Continue reading below ↓

Pero ni minsan, hindi naringgan ng reklamo ang television host-actress.

"Sobrang sipag ni Anne. After ng shooting ng Buy Bust, nag-shooting siya para sa Sid & Aya.

"Nag-last shooting day si Anne sa Sid & Aya noong April 30.

"After that, may ginawa siya na commercial, 'tapos may mga launching siya ng kanyang business, ang BLK cosmetics.

"Bago siya nagpunta sa Batanes para sa shooting ng Aurora, pinag-dub muna namin siya para sa trailer ng Sid & Aya at nag-report pa siya sa It’s Showtime.

"The following day, lumipad na siya sa Batanes para sa shooting ng Aurora, ang movie project ng direktor na si Yam Laranas.

"From May 6 to May 16 ang shooting niya sa Batanes.

"Pagbaba niya ng eroplano from Batanes [May 17], dumiretso na siya sa dito sa presscon ng Sid & Aya," ang kuwento ng isang Viva Films executive na saludong-saludo sa professionalism ni Anne.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results